Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930) Disyembre 2020
Party website : www.pkp-1930.com
E-mail : philcompar@yahoo.com E-mail : parisantonio2001@yahoo.com
CONTENTS OF THE DECEMBER 2020 ISSUE OF SULONG ! (Forward !),
THE MONTHLY ORGAN OF THE PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS
(PKP-1930, the Philippine Communist Party)
Support for the SADR and the Polisario Front.
Kaarawan (Nobyembre 28, 2020).
(Ika-10 ng Disyembre, 2020).
the Communist Party of the Russian Federation.
BEST WISHES FOR THE NEW YEAR 2021 !
The PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930, the Philippine Communist Party) sends warmest comradely greetings and all the best wishes for success in 2021 to all its members and friends, and to all fraternal parties and organizations fighting against imperialism –- for peace, freedom and socialism.
In these pandemic times, let us strengthen internationalist solidarity in the struggle against transnational monopolies which are imposing a “new normal” of reduced benefits and increased exploitation for the working peoples.
–- Secretariat of the Central Committee, PKP-1930.
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
PKP-1930 CONDEMNS TRUMP's ISRAEL-MOROCCO DEAL, AND
REITERATES ITS SUPPORT FOR THE SADR AND THE POLISARIO FRONT
This December 10, outgoing U.S. Pres. Donald Trump struck another blow against international law by recognizing “Moroccan sovereignty over the entire Western Sahara territory”, in exchange for Moroccan normalization of relations with Israel. With this decision, the USA becomes the only country in the world to recognize Morocco's illegal control of parts of Western Sahara, which control is in wanton disregard of the international norm of self-determination and independence.
Located between Mauritania and Morocco, along the Atlantic Ocean, Western Sahara is a former Spanish colony. A portion of Western Sahara is now under Moroccan control, while the rest of the country is controlled by the Polisario Front (the Frente Popular de Liberación de Saguía el Hamra y Río de Oro), a Saharawi independence movement organized in 1973 against Spanish colonial control. The Polisario Front is backed by Algeria and is recognized by 39 other nations and the African Union as the Saharawi Arab Democratic Republic (SADR).
The Kingdom of Morocco intruded into the Western Sahara in 1975, following Spain's withdrawal from the area. A ceasefire between Moroccan and Polisario forces was forged in 1991, with the U.N. establishing a peacekeeping force (the MINURSO, or Mission of the UN for the Organization of a Referendum in Western Sahara), with the mandate to organize a free and fair referendum on independence. But to date, no referendum has been held, and more than 100,000 Saharawi refugees remain in camps in the southern Algerian desert, and another 20,000 in Mauritania.
A number of subsequent UN General Assembly and Security Council resolutions have reaffirmed the right to self-determination and independence of the Saharawi people. However, Moroccan control makes Western Sahara as the last colony in Africa.
Trump's rash recognition of Moroccan “sovereignty” over Western Sahara was a “bribe” to Morocco, in exchange for Moroccan recognition of Israel which was a Moroccan stab at the back of the Palestinian people. Trump's action threw overboard the long-held US policy in support of a just and lasting solution to the conflict between the Kingdom of Morocco and the Polisario Front. In fact, from 1997 to 2004, former US Secretary of State James Baker served as the UN Secretary-General's Personal Envoy to Western Sahara, and consistently pushed for a referendum on independence.
Trump's support for Moroccan control over Western Sahara will only lead to renewed fighting between Moroccan occupation forces and the Polisario/SADR forces, and will also complicate US relations with Algeria. Trump's “deal” is a boost for Israel, as Morocco becomes another Arab country to recognize Israel. This “deal” supports Israeli occupation of Palestine and other Arab lands, while supporting Moroccan occupation of Western Sahara.
For the Netanyahu regime in Israel, this “Occupation-for-Occupation” recognition is another boost, similar to the “mutual-recognition” agreements of Israel with the United Arab Emirates, Bahrain and Sudan, which were also forged by the outgoing Trump regime in the past couple of months. This latest Trump-brokered agreement tramples on the rights of people under occupation --- the Saharawi people under Moroccan occupation, and the Palestinian people under Israeli occupation.
The normalization of diplomatic relations with the zionist state of Israel goes against all relevant UN resolutions. The Palestinian people are going through a slow genocide, living under seige in the Gaza Strip and an apartheid-type separation wall in the West Bank. Trump recognized Israel's illegal declaration of Jerusalem as its “eternal undivided capital”, and even transferred the US embassy from Tel Aviv to Jerusalem. Trump also recognized zionist Israel's illegal annexation of Syria's Golan Heights, and further recognized Israel's illegal setting-up of Jewish settlements in the West Bank and the Golan Heights.
The Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) strongly condemns Trump's recognition of Moroccan sovereignty over the Western Sahara, in exchange for Morocco's recognition of the zionist state of Israel. The PKP-1930 further condemns all the other moves of the outgoing Trump regime in favor of the zionist state of Israel, which can only further endanger peace and stability in the whole of the Middle East.
Finally, the PKP-1930 reiterates its support for the Saharawi Arab Democratic Republic (SADR), led by the Polisario Front which is the sole legitimate representative of the people of Western Sahara in their struggle for the defense of their independence, sovereignty and territorial integrity.
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
SA KANYANG IKA-200 KAARAWAN
(Nobyembre 28, 2020)
Mula nang mag-umpisa ang pagkakaibigan nina Karl Marx at Friedrich Engels ay itinalaga na nila ang kanilang buhay sa isang dakilang gawain –- ang pagbubuo ng idyolohiyang komunista. Mahirap ihiwalay ang naging ambag ng bawat isa sa dakilang gawaing iyon, bagama't laging sinasabi ni Engels na siya ay pangalawa lamang (“second fiddle”, wika nga niya) kay Marx. Kaya naman para maunawaan ang kahalagahan ng mga naisagawa ni Engels, kailangan nating suriin ang kahalagahan ng magkasanib na mga pangaral nina Marx at Engels para sa kasalukuyang pandaigdigang kilusang komunista at pandaigdigang kilusan ng uring manggagawa.
Sina Marx at Engels ang unang nagpakita na ang uring manggagawa ay na-oorganisa mismo sa pag-unlad ng kapitalistang sistema, at ang makauring pakikibaka ng organisadong proletaryo ang tanging magpapalaya sa sangkatauhan mula sa kasamaan ng sistemang kapitalista. Sa kanilang siyentipikong pag-aaral, sina Marx at Engels ang unang nagpaliwanag na ang sosyalismo ay hindi isang panaginip lamang, kundi siya mismong kahahantungan at kinakailangang resulta ng pag-unlad ng mga produktibong puwersa sa modernong kapitalistang lipunan.
Ipinakita nina Marx at Engels na ang mga sinaunang kasaysayan ay kasaysayan ng labanan ng mga uri, ng pagpapalit-palit ng pamamahala at pagtatagumpay ng isang panlipunang uri sa ibabaw ng iba. At ang ganitong kasaysayan ay magpapatuloy habang hindi pa naaalis ang mga batayan o pundasyon ng makauring pakikibaka at ng makauring pangingibabaw --- ang pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa paglikha, at ang anarkiya sa produksiyong panlipunan. Nasa kapakanan ng proletaryo ang pagwasak sa 2 pundasyong ito.
Kung gayon, ang mulat na makauring pakikibaka ng organisadong mga manggagawa ay dapat nakatuon sa pag-aalis sa pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa paglikha, at sa pag-aalis sa anarkiya sa panlipunang produksiyon. Ito'y nangangahulugan ng sosyalisasyon sa mga kagamitan sa produksiyon, at ng siyentipikong pagpa-plano ng produksiyon upang maiwasan ang krisis. Ito kung gayon ay ang pagbaklas sa sistemang kapitalista, upang maitayo ang sosyalismo.
Sa ngayon ay tinatanggap na ng lahat ng proletaryong nakikibaka para sa kanilang katubusan ang mga pananaw na ito nina Marx at Engels. Pero noong 1840s, kung kailan sina Marx at Engels ay lumusong sa mga kilusang panlipunan at sa sosyalistang mga debate noon, ang mga pananaw na iyon ay nakagugulat pa. Maraming mga tao noon ang kabilang sa pakikibaka para sa mga kalayaang pampulitika, o sa pakikibaka laban sa despotismo ng mga hari, pulisya at kaparian, pero hindi nila nakita ang pangunahing isyu ng tunggalian sa pagitan ng burgesya at ng proletaryo. Hindi nila matanggap ang ideya na ang uring manggagawa ay makakikilos bilang isang malayang puwersa na siyang magpapalaya sa lipunan.
Marami ring nanaginip noon, na nag-akala na kailangan lamang kumbinsihin ang mga namamahala at ang naghaharing mga uri hinggil sa kawalang-katarungan ng mga kalagayang panlipunan, at magiging madali na ang pag-unlad ng lahat. Nanaginip sila ng isang sosyalismong magaganap nang walang pakikibaka. Ngunit sina Marx at Engels ang unang nagpanukala na ang sosyalismo ay magiging produkto lamang ng makauring pakikibaka ng proletaryo. Habang umuunlad ang kapitalismo, lalong dumarami ang mga proletaryo, lalo silang lumalakas bilang uring rebolusyonaryo –- bilang tagapaglibing sa sistemang kapitalista –- at sa kanilang paglakas ay higit na nalalapit ang kanilang pagtatatag ng sistemang sosyalista.
Ang pinaka-mahalagang serbisyo nina Marx at Engels sa uring manggagawa ay ang pagtuturo sa kanila na kilalanin ang kanilang sariling lakas at makasaysayang papel, at palitan ng siyensiya ang pangangarap lamang. Kaya naman ang buhay at pakikibaka nina Marx at Engels ay dapat na makilala ng bawat manggagawa.
Pinaparangalan natin sa araw na ito ang isang pangunahing guro ng uring proletaryo sa buong mundo, na ang kadakilaan ay batay sa kanyang pagiging katuwang ni Karl Marx sa pagbubuo ng idyolohiyang komunista. Ito ay si Freidrich Engels, na ipinanganak noong Nobyembre 28, 1820, o 200 taon na ngayon, sa Barmen, Lalawigan ng Rhine, sa Kaharian ng Prussia (ang Barmen ngayon ay bahagi ng Wuppertal sa Alemanya).
Noong 1842, pinapunta siya ng kanyang mga magulang sa Salford, Manchester, Inglaterra, upang tumulong na pangasiwaan ang kanilang pagawaan doon ng mga sinulid na pangtahi. Papunta sa Inglaterra, dumaan siya sa Cologne, sa opisina ng radikal na Rheinische Zeitung (“Pahayagan ng Rheine”), kung saan una niyang nakilala ang patnugot nito na si Karl Marx. Sa Manchester ay nag-umpisa siyang magsulat hinggil sa mga grabeng kalagayan ng mga manggagawa doon, lalo na ng mga child laborers, at ang kanyang mga panulat ay ipinadadala niya kay Marx na siyang naglalathala ng mga ito sa kanyang pahayagan. Bandang huli ay tinipon ni Engels ang kanyang mga panulat na ito sa isang aklat na pinamagatang, “Ang Kalagayan ng Uring Manggagawa sa Inglaterra” (“The Condition of the Working Class in England”).
Mayroon namang mga naunang nagsulat rin hinggil sa labis na paghihirap ng mga manggagawa, at nanawagan ng pagtulong sa kanila. Ngunit si Engels ang unang nagpanukala na ang huthot na kalagayan ang siya mismong magtutulak sa mga manggagawa na lumaban para sa kanilang kalayaan, na sila lamang ang magpapalaya sa kanilang sariling uri, at ang tunay na kalayaan ay nasa pagbaklas sa sistemang kapitalista at sa pagtatatag ng sistemang sosyalista. Si Engels ang unang nagpanukala na ang sosyalismo dapat ang maging tunguhin ng pampulitikang pakikibaka ng uring manggagawa.
Noong 1844, habang pabalik sa Alemanya, si Engels ay dumaan sa Paris, Pransiya, kung saan naroon na si Marx. Sa kanilang mga pag-uusap ay nakita nila ang pagkakaparehas ng kanilang mga sosyalistang pananaw. Nagkaroon ng unang pagsasanib ang kanilang mga pananaw sa kanilang magkasamang pagsulat sa aklat na “The Holy Family, or Critique of Critical Criticism”. Sa aklat na iyon ay una nilang nilatag ang mga pundasyon ng rebolusyonaryong konsepto ng sosyalismong siyentipiko (na kakaiba sa mga naunang mapangarapin at idealista o utopian na mga konsepto hinggil sa sosyalismo).
Mula noon ay naging malapit na magkasama na sina Marx at Engels sa pagsusulat ng mga artikulo at mga aklat hinggil sa iba't-ibang aspeto ng idyolohiyang komunista. Patuloy na binigyan ni Engels ng tulong pinansiyal si Marx, upang maipagpatuloy ni Marx ang kanyang mga pananaliksik at pagsusulat. Nang ipatapon si Marx ng pamahalaang Pranses ay sinamahan siya ni Engels sa paglipat sa Belgium, kung saan nila nabuo ang isang lihim na “Liga ng mga Komunista” na ang karamihang kasapi ay mga Aleman.
Hiniling ng ligang iyon na isinulat nina Marx at Engels ang isang booklet na may maikling pagpapaliwanag sa mga pangunahing prinsipyo ng sosyalismo, at kanilang isinulat ang “Manipesto ng Partido Komunista” na nailathala noong Pebrero 21, 1848. Ang munting aklat na iyon ang pinakamahalaga at pinakakilalang panulat nina Marx at Engels, na hanggang sa ngayon ay nagbibigay giya at inspirasyon sa kabuuan ng organisadong pakikibaka ng mga proletaryo sa buong daigdig.
Noong 1848 ay nagkaroon ng malawakang rebolusyon laban sa mga awtokratikong rehimen, na nag-umpisa sa Pransiya at kumalat sa iba pang mga bansa sa Kanlurang Europa. Sina Marx at Engels ay agad bumalik sa Cologne, Prussia upang buhayin ang paglalathala sa Neue Rheinische Zeitung (o “Bagong Pahayagan ng Rheine”), na siyang naging utak at puso ng lahat ng mga rebolusyonaryong-demokratikong mga hinaing ng Prussia. Dahil doon ay sinugpo ang nasabing pahayagan, at si Marx ay ipinatapon at kinailangang bumalik sa London.
Si Engels naman ay lumahok sa nangyaring pagbabangon sa Prussia noong 1849, at nang mabigo ang pagbabangong iyon ay nakatakas siya papuntang Switzerland. Mula doon ay nakabalik siya sa London, kung saan naroon na si Marx. Bumalik si Engels sa kumpanya ng kanyang pamilya, upang patuloy na matulungan si Marx at ang kanyang pamilya, dahil sinusulat na noon ni Marx ang kanyang obra maestra na “Das Kapital” (o “Ang Puhunan”), na isang masusing pag-aaral sa masalimuot o complex na katangian ng kapitalistang ekonomiya. At habang sinusulat iyon ni Marx ay nagpatuloy rin si Engels sa kanyang pagsusulat ng mga aklat at artikulo hinggil sa Protestant Reformation, sa rebolusyonaryong pagbabangon ng mga magsasaka sa Alemanya (“The Peasant War in Germany”), hinggil sa rebolusyon sa siyensiya (“Anti-Duhring”), hingggil sa “Socialism : Utopian and Scientific”, atbp.
Noong 1864, itinatag ni Marx ang International Workingmen's Association, na kanyang pinangunahan sa loob ng isang dekada. Tumulong din si Engels sa mga pagkilos ng samahang iyon, na nagkaroon ng mahalagang papel sa pag-unlad ng malawakang kilusan ng mga manggagawa. At kahit nabuwag na ang samahang iyon noong 1870s, ang papel nina Marx at Engels ukol sa pagkakaisa ng mga makauring kilusan ng manggagawa sa iba't-ibang bansa ay nagpatuloy.
Matapos mamatay si Marx noong 1883, mag-isang nagpatuloy si Engels bilang tagapayo at kinikilalang pinuno ng mga kilusang sosyalista sa Europa. Ang kanyang mga turo at payo ay patuloy na hinahanap ng mga pangunahing pinunong sosyalista ng Alemanya (kung saan ang kilusang sosyalista ay patuloy na lumakas sa kabila ng panunugpo ng pamahalaan), at gayundin ng mga pinunong sosyalista sa mga nahuhuling mga bansa tulad ng Espanya, Romanya at Rusya. Lahat sila ay nakinabang mula sa mayamang balon ng kaalaman at karanasan ni Engels hanggang sa kanyang katandaan.
Nang mamatay nga pala si Marx noong 1883, ang nailathala pa lamang ay ang Unang Aklat ng “Das Kapital”. Si Engels ang nagsaayos sa mga panulat ni Marx upang mailathala ang Ikalawa at Ikatlong mga Aklat nito. Bale ang Ika-2 at Ika-3 Aklat ng “Das Kapital” ay parang pinagsanib na panulat na rin nina Marx at Engels. Ang mga nakasulat na tala o notes ni Marx hinggil sa iba't-ibang mga paningin ng iba't-ibang ekonomista (na pinamagatang “Theories of Surplus Value”) ay inumpisahang isaayos rin ni Engels upang maging Ika-4 na aklat ng Das Kapital”, ngunit nakamatayan na niya ang gawaing iyon. Gayunpaman, bago siya mamatay noong 1895 (sa edad na 74) ay nailathala ni Engels ang ilan pa sa sarili niyang mga mahahalagang akda tulad ng “Dialectics of Nature” (na mayroon nang pagtalakay sa isyu ng ecology), at “The Origin of the Family, Private Property and the State” (na mayroon namang pagtalakay sa kasaysayan ng kaapihan ng kababaihan, na nagsimula pa sa pag-unlad ng makauring lipunan).
Sa pangkabuuan, si Friedrich Engels ay isang dakilang guro, manananggol at tagapaglaban ng pandaigdigang proletaryo. Ang kanyang alaala ay dapat na lagi nating pinararangalan sa pamamagitan ng ating pagpapatuloy sa inumpisahan nilang landas ng rebolusyonaryong pagmumulat, pag-oorganisa at pagkilos sa makauring pakikibaka tungo sa sosyalismo.
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
MENSAHE SA PAGDIRIWANG NG
ARAW NG KABABAIHANG KASAPI NG PKP-1930
(Ika-10 ng Disyembre, 2020)
Mga kasama at mga kaibigan :
Nais kong pasalamatan ang pagdalo rito ngayon ng mga kababaihang kasapi ng ating Partido, at ng kanilang mga kabiyak sa buhay o kaanak, sa kabila ng mga kahigpitan dala ng pandemya. Nais ko ring pasalamatan ang DES at iba pang dibisyon na nag-sponsor sa okasyong ito dito sa Pomeroy Hall.
Sa araw na ito, ika-10 ng Disyembre, ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kababaihang Kasapi ng ating Partido, na unang ipinagdiwang sa petsang ito noong taong 1995, sa pagnanais ng ating pamunuan noon, pangunahin na ng ating Pangkalahatang Kalihim noon na si Ka. Pete Baguisa, na magkaroon ng isang ispesyal na araw bilang pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng mga kababaihang kasapi ng ating Partido. Ito bale ang ika-25 taong pagdaraos natin ng ganitong okasyon.
Ang araw na ito (Ika-10 ng Disyembre) ay ipinagdiriwang rin sa buong mundo bilang Pandaigdigang Araw ng mga Karapatang Pantao. Bahagi ng mga karapatang pantao ang pantay na karapatan ng kababaihan, at ang pag-aalis sa anumang balakid tungo sa kaunlaran at proteksiyon ng kababaihan. Ito ang isang salik kung bakit ang petsang ito, na Pandaigdigang Araw ng mga Karapatang Pantao, ay napili ng pamunuan ng ating Partido noon (pangunahin na nina Ka. Pete Baguisa) bilang araw din ng pagkilala at pagpaparangal sa kababaihang kasapi ng ating Partido.
Sa kasaysayan ng ating bansa at ng ating Partido ay napakahalaga ng papel na ginampanan ng kababaihan, at nais kong parangalan dito ang mga unang lider na kababaihan ng kilusan ng paggawa at ng ating Partido. Sa pag-uumpisa pa lamang ng kilusan ng paggawa sa maagang panahon ng kolonyalismong Kano sa ating bansa ay makikita agad natin ang papel ng kababaihan. Ang unang kinilalang unyon sa Pilipinas ay ang unyon ng mga manggagawa na itinatag noong Agosto 1901 sa imprenta ng Carmelo and Bauermann sa Maynila. Ilan sa mga unang miyembro ng unyong iyon ay 4 na kababaihan --- sina Celerina de la Cruz, Fausta Bernardo, Margarita Pasamola at Antonina Zamora. At sa unyong iyon nagmula ang inisyatiba ukol sa pagtatatag sa unang pederasyon ng paggawa (ang Union Obrero Democratica) na itinatag noong 1902.
Ang Union Obrero Democratica ay naging bukas sa pagsapi hindi lamang ng kababaihang manggagawa, kundi gayun din ng mga babaeng kapamilya ng mga lalaking manggagawa. Nagtatag rin ang pederasyong iyon (na nang lumaon ay naging Union Obrero Democratica de Filipinas, o UODF) ng mga samahan ng kababaihan o “Comite de Damas” sa iba’t-ibang lugar sa Kamaynilaan at mga karatig na lalawigan, upang maghanda ng mga pagtatanghal tulad ng mga “palabas-dulaan” sa mga welga at picket lines, at upang mangalap ng mga ambag na tulong para sa mga manggagawang nagwewelga. Sa ginawang isang buwang welga ng mga motormen (tagapag-maneho) at konduktor ng trambiya ng kumpanyang Meralco noong Marso 1909 ay naging mahalaga ang papel ng kababaihan para sa kampanya ng pag-boycott sa pagsakay sa trambiya sa panahon ng welga.
Maliban sa pagsuporta sa welga, ang kababaihan ay pumronta rin bilang mga manggagawang welgista. Sang-ayon sa mga unang ulat ng Bureau of Labor, nilahukan ng kababaihang manggagawa ang 3 welga ng mga manghahabi (weavers) noong 1903 bilang pag-angal sa sistemang piecework, at gayundin ang welga ng mga tagagawa ng sombrero noong 1907 (sa kompanyang Gael & Kahn) bilang paghingi ng dagdag na suweldo. Noong 1909, naging tampok ang welga sa Sanitary Steam Laundry, na ang karamihang manggagawa ay babae, kung saan napagtagumpayan ang kahingian na patalsikin ang tagapamahalang Kano na nagmumura at nananakit sa mga manggagawa. Noong 1909 rin, ang welga sa El Oriente, isang pagawaan ng tabako at sigarilyo, ay nilahukan ng mahigit 1,000 manggagawang lalake at babae, at ito’y matagumpay na nakakuha ng pagtataas sa suweldo, sa tulong ng kampanya sa pakikipagkaisa (solidarity) ng UODF.
Noong ika-1 ng Mayo, 1913, ay naitatag ang Congreso Obrero de Filipinas (COF) na may 35 kasaping samahan. Sa 35 mga ito ay aanim lamang ang mga unyon ng manggagawa sa pagawaan, samantalang ang karamihan ay mga gremyo at samahan sa pagtutulungan na mala-kooperatiba. May kabilang rin ditong 2 samahan ng kababaihan --- ang “Ang Babae Ngayon” na pinangunahan ni Pura Kalaw, at ang “Liga de Mujeres Filipinas” na pinangunahan ni Constancia Poblete. Sina Kalaw at Poblete ay naging kilala sa kilusan para sa karapatan sa pagboto (suffrage) ng kababaihan sa ating bansa. Sa labas ng COF ay may naitatag namang Union del Tabajo de Filipinas (UTF), at dito sa UTF ay mayroon ring kasaping samahan ng kababaihan --- ang “Lupon ng Kababaihan” na ang pangulo ay ang parmasyotikang si Pilar Lazaro na nangampanya rin para sa kapantayan ng babae at lalake.
Simula noong Mayo 1929 --- kung kailan naitatag ang progresibong Katipunan ng mga Anakpawis sa Pilipinas (KAP) --- ay higit na naging matingkad ang pagkilos ng kababaihang manggagawa ukol sa kanilang partikular na mga kahingian. Ilan sa mga kahingiang iyon ay ang kapantayan sa suweldo ng babae at lalake na parehas ang trabaho, ang pagkakaroon ng pangkalahatang pagtataas ng suweldo, ang pagbabayad ng overtime pay at night differential pay, ang pagbibigay ng suweldo sa panahon ng maternity leave, ang pagkakaroon ng social security benefits para sa lahat ng manggagawa (lalo na’t kaugnay sa mga aksidente at pagkakasakit na may kinalaman sa pagtratrabaho), ang pagkilala sa karapatan sa kolektibong pakikipagtawaran (collective bargaining) ng mga unyon, ang pagkakaroon sa bawat empresa ng hiwalay na palikuran at bihisan para sa kababaihang manggagawa, ang pag-uusig sa seksuwal na pang-aabuso o harassment sa kababaihang manggagawa, at ang pagkakaroon ng kababaihan ng karapatan sa pagboto sa lahat ng mga halalan.
Noong 1934 (Agosto-Setyembre) ay nagkaroon ng pangkalahatang pagwewelga sa Kamaynilaan, na pangunahin nang nilahukan ng mga manggagawa sa industriya ng tabako at sigarilyo. Ang kahingian para sa pagtataas ng kanilang sahod at para sa pagbabalik sa mga tinanggal na manggagawang organisador ng unyon, ay nakakuha rin ng suporta ng mga manggagawa sa ilang pagawaan ng kendi, mantika at sapatos, at sa ilang kumpanya ng pagbuburda. Ang pangkalahatang welga ay tumagal nang isa’t- kalahating buwan at nilahukan ng hindi kukulangin sa 11,000 manggagawa.
Noong ika-3 ng Setyembre, 1934, may 3,000 welgista ang nagtungo sa Ayuntamiento (city hall) sa Intramuros at sa Kongreso, upang manawagan sa pamahalaan na i-pressure ang Manila Tobacco Association (ang grupo ng mga may-ari ng mga pabrika ng tabako at sigarilyo) na ibigay ang kahingian ng mga manggagawa at ipagbawal ang kanilang pagkuha ng mga eskirol. Isang petisyong pirmado ng mga lider ng mga welgista, pangunahin na ng mga Komunistang sina Pedro Castro, Narcisa Paguibitan at Pedro Ocampo, ang iniharap sa Ayuntamiento (kay Mayor Thomas Earnshaw) at sa Kongreso (kay Speaker Quintin Paredes).
Noong ika-12 ng Setyembre, 1934, isang delegasyon ng mga lider ng welga, pangunahin na ng mga Komunistang sina Manuel Joven, Narcisa Paguibitan at Pedro Ocampo, ay nakipagpulong sa Governor-General na Kano na si Frank Murphy sa palasyo ng Malakanyang. Nakalulungkot na sa halip na bigyang katarungan ang mga hinaing ng manggagawa, sila ay dinahas. Noong ika-17 ng Setyembre, 1934, ang mga nagmamartsang manggagawang welgista ay pinaputukan ng mga pulis sa harapan ng pabrikang Minerva (isang pagawaan ng tabako at sigarilyo) sa daang Azcarraga (ngayon ay Claro M. Recto Avenue na) sa Maynila.
Apat agad ang napatay, at marami pa ang nasugatan, kasama na ang 2 babae, at ang 2 kapatid na lalaki ni Narcisa Paguibitan. Si Narcisa Paguibitan, at ang kanyang mga kapatid na sina Emeteria, Hilario at Placido, ay kasama sa 25 kinasuhan ng sedisyon. Bandang huli ay sinentensiyahan sila sa 4 na taon at 9 na buwang pagkakapiit. Bagama’t sila’y ikinulong, sila’y patuloy namang pinarangalan ng kilusan ng paggawa bilang mga ulirang lider ng pakikibaka.
Naging maningning sa panahong iyon ang pangalan ni Kasamang Narcisa Paguibitan, isang lider ng mga manggagawa sa La Helena na pagawaan ng tabako at sigarilyo sa Maynila. Siya ay kasapi ng PKP, at noon pa mang 1932 ay isa na siyang pangunahing babaeng kadre ng ating Partido. Isa siya sa mga lider ng Pambansang Liga ng Kababaihan na binuo noong Abril 1932 kasama ng kapatid niyang si Maria Paguibitan, ang manghahabing si Dominga de Leon, ang magkapatid na Elisa at Celerina Santos ng Niugan, Malabon, at si Perpetua Viterbo, isang organisador ng mga magniniyog sa Sta. Cruz, Laguna. Sa kanyang paglaya, si Ka. Narcisa Paguibitan ay agad nagpatuloy sa pagkilos sa ating Partido at sa kilusan ng paggawa.
Sa Ikatlong Kongreso ng ating Partido noong Oktubre 1938 (kung saan nagkaroon ng merger o pagsasanib ang PKP at ang Partido Sosyalista) ay isa si Ka. Narcisa Paguibitan sa mga nagsalita sa pagbubukas ng Kongreso, at isa rin siya sa 18 kasapi ng Presidium na namuno sa Kongreso. Isa rin siya sa 2 babaeng nahalal sa Kongresong iyon bilang mga kagawad ng Komite Sentral ng ating Partido, kasama ni Cleotilde Braganza ng Iloilo.
Sa pambansang halalan noong bago magkadigma, si Ka. Narcisa Paguibitan ay isa sa mga kandidato sa pagka-Senadora. Kasama siya sa tiket ng Frente Popular kung saan si Pedro Abad Santos ang inilaban sa pagka-Presidente, at si Pilar Aglipay (ang balo ni Obispo Gregorio Aglipay ng Iglesia Filipina Independiente) ang inilaban sa pagka-Bise-Presidente. Bagama’t hindi nagwagi ang mga kandidato sa pambansang larangan, marami rin namang kandidato ng Frente Popular sa lokal na larangan ang nagwagi.
Ang pagtakbong iyon ng tiket ng Frente Popular sa pambansa at lokal na halalan ay naging mahalaga dahil nagkapagharap sa sambayanan ng isang alternatibo at radikal na partidong elektoral na kaiba sa tradisyunal na mga partidong bulok, at nakapagpalaganap din sa sambayanan ng mga pananaw ng ating Partido.
Sa kabuuan, isa sa maningning na pangalan sa kilusang kababaihan bago magkadigma si Ka. Narcisa Paguibitan, isang lider ng ating Partido. Patunay lamang ito na ang mga kababaihang kasapi ng ating Partido ay laging umaalpas mula sa makitid na papel bilang ina o asawa lamang, at nagagawang manguna sa mga pakikibaka ukol sa kapantayan at kaunlaran ng kababaihan, at ukol sa kalayaan at demokrasya para sa ating bayan.
Marami pang ibang halimbawa ng mga kababaihang lider ng ating Partido na nagpakita ng dedikasyon at sakripisyo sa pakikibaka para sa karapatan ng kababaihan, at tungo sa kalayaan ng ating bansa at uri. Sa panahon ng Hapon ay hindi nahuhuli sa tapang at dedikasyon ang kababaihang kasapi ng ating Partido. Nariyan ang mga kumander na babae tulad nina Kumander Liwayway at Kumander Guerrero, na nanguna sa pakikihamok ng ilang mga iskwadron ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP).
Nariyan sa harap natin ngayon ang larawan ni Ka. Celia Mariano-Pomeroy na isa sa mga unang tagapagtatag ng grupong gerilya sa lalawigan ng Rizal noong sinakop tayo ng mga Hapon. Sa pagtatapos ng digmaan, siya ang naging Kalihim sa Edukasyon ng Central and Northern Luzon Bureau (CENOLUBU) ng ating Partido. Siya rin ang isa sa mga nagtatag ng progresibong samahan ng kababaihan noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Marami siyang tinungkol bilang edukador ng ating Partido, at kinatawan sa pakikipag-ugnayang panlabas ng ating Partido, at hanggang sa kanyang kamatayan ay lagi natin siyang itinatanghal bilang pandangal na kagawad ng Politburo ng ating Partido.
Nariyan din sa harapan natin ang larawan nina Ka. Filomena Tolentino (ang unang pangulo ng KBP), si Ka. Antonina Tina (ang unang pangulo ng PATAMABA), si Ka. Laureana Angeles (ang dating Unang Kalihim ng ating Komiteng Panlalawigan sa Bulacan), Ka. Leovegilda Agustin (dating bise-presidente ng KBP, at dating kagawad ng Politburo ng ating partido), at Ka. Salvacion Corpuz (ang dating Pangulo ng Council for National Freedom and Democratic Rights, o CONFREEDEM, at dating Kalihim sa Edukasyon ng ating partido). Inaasahan natin na sa hanay ng kababaihang kasapi ng ating Partido ngayon ay patuloy na magiging inspirayon ang mga halimbawang ipinamalas nina Kasamang Narcisa Paguibitan, Celia Mariano-Pomeroy, Filomena Tolentino, Antonina Tina, Laureana Angeles, Leovegilda Agustin at Salvacion Corpuz.
MABUHAY ANG MGA KABABAIHANG KASAPI NG ATING PARTIDO !
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930) !
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
PKP-1930 CONGRATULATES THE PARTIDO COMUNISTA DE
VENEZUELA ON THE VENEZUELAN ELECTION RESULTS
December 14, 2020
COMRADE OSCAR FIGUERA
General Secretary
COMRADE CAROLUS WIMMER
International Relations Secretary
PARTIDO COMUNISTA DE VENEZUELA (PCV)
Dear comrades,
Thank you for sending us the December 10, 2020, Assessment (“Balance”) of your Political Bureau on the results of the December 6, 2020, parliamentary elections in your country. The Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) congratulates the Partido Comunista de Venezuela (PCV) on the significant result of 168,743 votes garnered, ranking 6th among 25 parties which participated in the elections.
Together with the organizations that make up the Popular Revolutionary Alternative (PRA), the PCV waged a tough political struggle under the difficult conditions of the COVID-19 pandemic and the capitalist crisis, the communications blockade and censorship arranged by bourgeois mass media, and the efforts of social-democratic forces to conceal the PCV-PRA candidacy.
We are confident that with the election of a communist member of parliament, the PCV and the PRA will be able to widely promote the interests and struggles of the Venezuelan working class and other popular strata.
With the expected escalation of imperialist attacks against Venezuela under the Trump regime, the PKP-1930 reiterates its firm solidarity with the PCV and the working peoples of Venezuela in the struggle against imperialism and local reaction –- for peace, freedom and socialism.
With communist greetings,
ANTONIO E. PARIS
General Secretary
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
CONGRATULATORY MESSAGE TO THE
GOVERNMENT AND PEOPLE OF VENEZUELA
December 11, 2020
Her Excellency
AMBASSADOR CAPAYA RODRIGUEZ
Embassy of the Bolivarian Republic of Venezuela
17A, 17th Floor, Multinational Bancorporation Center,
6805 Ayala Avenue, Makati City, Philippines 1226
Excellency :
Through you, the Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) wishes to congratulate President Nicolas Maduro, the government of the Bolivarian Republic of Venezuela, and the revolutionary people of Venezuela, for the successful conduct of the December 6, 2020 Parliamentary Elections in your country. As described by the multinational delegation of the World Peace Council (WPC) which served as International Observers, that exercise was one of the most democratic and free elections in the world.
What the WPC delegation witnessed in every one of the voting centers they visited were long lines of very enthusiastic voters, and an extremely dedicated and helpful electoral staff, which went out of their way to help citizens cast their votes in the most efficient and transparent way, while, at every step, taking all precautionary steps to protect everyone's health against the COVID-19 pandemic.
That election was a clear manifestation of mass participation and diversity of the parties involved. It was a true rejection of all false claims, especially made by the United States government, about the alleged “presidential dictatorship” and “lack of democracy” in Venezuela. After repeated coup attempts, acts of sabotage, intrigues and an inhuman blockade by the USA and the European Union imperialist states and their reactionary allies in Latin America (the “Lima Group”), aimed at overthrowing the Bolivarian Revolution and the Government of Venezuela, the revolutionary people of Venezuela again proved that they still firmly defend the right to decide their own internal matters alone, free from foreign pressures and interference.
The successful conduct of the December 6, 2020 Parliamentary Elections demonstrates that the Venezuelan people, with the support and solidarity of all anti-imperialist and peace-loving forces throughout the world, will be able to continue the struggle against the policies of imperialism and of the local oligarchy, and will deepen the socialist transformations so that the people will be the rightful master and owner of its wealth and destiny.
Once again, we express our abiding internationalist solidarity with President Nicolas Maduro, the government of the Bolivarian Republic of Venezuela, the heroic people of Venezuela, as well as with our fraternal party, the Communist Party of Venezuela.
Very sincerely,
ANTONIO E. PARIS
General Secretary
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
GREETINGS TO THE 51st CONFERENCE OF
THE MOSCOW CITY COMMITTEE OF THE CPRF
December 17, 2020
COMRADE VALERY RASHKIN
First Secretary
MOSCOW CITY COMMITTEE
COMMUNIST PARTY OF THE RUSSIAN FEDERATION (CPRF)
Dear comrade :
The Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) sends warmest comradely greetings to the 51st Reporting and Election Conference of the Moscow City Committee of the Communist Party of the Russian Federation (CPRF), which will be held on December 19, 2020.
We highly value the events held by your Moscow City Committee dedicated to the 150th anniversary of Lenin's birth last April, and to the 75th anniversary of the Victory in the Great Patriotic War last May, with full observance of the health protocols required in the face of the present COVID-19 pandemic.
We still remember with thanks the valuable assistance that your Committee and your Moscow Communist Inter-Brigade extended to all delegates to the Forum of Left Forces and other events in Moscow during the centenary of the Great October Socialist Revolution in November 2017. We particularly remember the kindness of Comrade Tatiana Desiatova, Chairperson of your Commission on International Work, in briefing foreign delegates on the political developments in Russia and on the main activities in the struggles of the CPRF.
It is laudable that your Committee is a the forefront of solidarity actions with foreign struggles against imperialism and for national liberation and socialism. We note the work of Comrade Sergey Timokhov, Chief-of-Staff of the CPRF faction in the Moscow City Duma, in arranging meetings between CPRF deputies to the Moscow Duma and representatives in Moscow of fraternal parties.
Finally, we wish every success to all those who will be elected to compose the next set of office bearers of your Committee, who will continue the very responsible and heavy tasks as leaders of the Moscow Communists.
With Communist greetings,
ANTONIO E. PARIS
General Secretary
- - - o o o 0 0 0 (END) 0 0 0 o o o - - -