Sulong! Nov 2015 [Phi]
Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930) Nobyembre 2015
_____________________________________________________________________________________________________________________
Website : www.pkp1930.org E-mail address : philcompar@yahoo.com
E-mail address : parisantonio2001@yahoo.com
CONTENTS OF THE NOVEMBER 2015 ISSUE OF SULONG ! (Forward !),
THE MONTHLY ORGAN OF THE PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS
(PKP-1930, THE PHILIPPINE COMMUNIST PARTY)
1. PKP-1930 (Philippine Communist Party) Condemns Turkey’s Downing of a
Russian Military Plane over a Syrian Border Area.
2. Ilantad at Labanan ang “Islamic State” na Binuo at Patuloy na Sinusuportahan
ng Imperyalismo at mga Kasapakat nito.
3. Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) --- Isang Forum Patungo sa
Malawakang Diktasyon ng mga Korporasyong Transnasyunal.
4. Mensahe para sa Pagdiriwang ng Nobyembre 7 (Ika-85 Anibersaryo ng
Pampublikong Paglulunsad sa PKP-1930 ; at Ika-98 Anibersaryo ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre sa Rusya).
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
PKP-1930 (PHILIPPINE COMMUNIST PARTY)
CONDEMNS TURKEY’s DOWNING OF A RUSSIAN
MILITARY PLANE OVER A SYRIAN BORDER AREAThe Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) expresses its strongest condemnation of Turkey’s November 24 downing of a Russian Sukhoi Su-24 warplane over the Syrian border. The Russian fighter plane, flying over the Syrian border areas while engaged in action against the “Islamic State” (IS) terrorists inside Syria, posed no threat to Turkey or to Turkish forces ; its unprovoked downing by missile fire from 2 Turkish F-16 fighters, is therefore truly outrageous.
The Russian warplane was shot down within the Syrian border area near Idlib in the northwest corner of Syria (across Antakya/Antioch on the southwest corner of Turkey). Russia insists that its warplane never strayed into Turkish airspace, and indeed it fell into Syrian territory about 5 kilometers from the border. However, Turkish president Recep Tayyip Erdogan claimed that the Russian warplane breached Turkish airspace several times, amounting to 17 seconds within a 5-minute period.
Scrambling F-16 fighters to confront an intrusion would have taken a longer period, but it appears that the Turkish F-16s were already in the area waiting for an opportunity to launch a premeditated missile attack on any Russian warplane that would operate in the area. The islamist Erdogan regime apparently wanted revenge for the effective Russian attacks on the IS and other terrorist groups inside Syria, which terrorist groups are supported by Turkey in its quest (along with the USA and other NATO countries) for “regime change” in Syria. The Turkish regime also wanted revenge for the damage caused by Russia’s destruction of the oil facilities captured by the IS, and of the oil tankers of Turkish businessmen which were being used to pilfer cheap IS-supplied Syrian oil into Turkey.
US complicity in the downing of the Russian warplane is certainly indicated, as it seems unlikely that the Erdogan regime would commit an act of war against Russia, a much more powerful neighbor, unless Washington had cleared the attack. It appears that US neo-conservatives are disturbed by French President Francois Hollande’s call for unity with Russia against the IS, and wanted Turkey to stage an incident that the USA can use to prevent cooperation with Russia. The immediate support given to Turkey’s action by its NATO allies, particularly the USA, brings into question the genuineness of their declarations for the eradication of IS, Al-Qaeda and other terrorist groups. Turkey’s action and the immediate support given by NATO only exposes their hypocrisy and double standards.
The justification of the Erdogan regime that Turkey was merely defending itself against those who violate its air or land borders, is even ridiculous. The fact is that Turkey’s borders with Syria have always been under severe violation --- not just for a period of seconds or minutes, but for several years now --- by IS gangs who train in Turkey and cross over to create mayhem in Syria, by convoys of tankers stealing oil from Syria, and by wounded terrorists scheduled for medical treatment in Turkish hospitals.
The islamist regime in Turkey has always played a special role in the imperialist plan to destroy Syrian (and even Iraqi) sovereignty, independence and territorial integrity. Turkey serves as a training, resupply, medical and R&R center for IS and other terrorist groups fighting the legitimate Bashar al-Assad government in Syria. Turkey allows the USA’s use of its Incirlik airbase for the resupply of the terrorist forces in Syria (and also in Iraq). While the Kurds in Syria, Iraq and Turkey are united in fighting against IS and other terrorist organizations, the Erdogan regime undertakes attacks against the Kurds in these 3 countries.
The Erdogan regime also raised the issue of protecting the Turkmen population in the Syrian border area where the Russian warplane was downed. However, while Russian warplanes were not targeting the Turkmen population which is also anti-IS, it was the Erdogan regime which did not lift a finger when the Turkmens were massacred and their women enslaved by IS. The Erdogan regime’s real concern is about the anti-IS forces taking over territory on the Syrian borders, cutting off Turkey’s links with IS, Al-Qaeda and other jihadist forces inside Syria. It is important to note that only Russia is acting legally in Syria, having been invited by the legitimate and internationally-recognized government of Syria to intervene in the conflict. On the other hand, it is the USA, Turkey and the mediaeval monarchies backing the rebel forces there that are all acting in blatant violation of international law.
IS was created and is being aided massively by the USA, Turkey and the autocratic and dictatorial Arab monarchies. IS has been terrorizing people, primarily in Syria and Iraq, in order to realize the US-Israeli “New Middle-East Plan” of dividing these and other Arab countries into several small and warring sub-states whose oil and other resources can be easily grabbed by imperialism, and which can be more easily controlled by Israel as the USA’s gendarme over the region. IS has committed --- in the Middle East, North and East Africa, and recently in France --- the most brutal killings and atrocities humanity has ever encountered in recent history. ISIS must be stopped and destroyed ; it must not be protected, as is now being done by the USA and its subalterns, primarily Turkey. However, as succinctly described by the Communist Party Turkey, the Erdogan regime which rules Turkey is a gang which is mindless, irrational and immoral. The Erdogan regime therefore deserves worldwide condemnation for its support for the IS and other terrorists in Syria and Iraq, for its role in the continuing bloodshed in Syria, and for its latest action in downing the Russian warplane over Syrian territory.
Finally, the PKP-1930 notes that one of the 2 pilots who ejected from the falling Su-24 warplane was brutally shot and killed as he parachuted to the ground, while the fate of the other pilot is unknown. Further, a Russian soldier on a helicopter was also killed in a subsequent attempt to rescue the pilots. The PKP-1930 therefore sends deepest condolences to the families and colleagues of those killed, and hopes that the other pilot will be returned safely to his command.
Secretariat, PKP-1930
November 27, 2015
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
ILANTAD AT LABANAN ANG “ISLAMIC STATE”
NA BINUO AT PATULOY NA SINUSUPORTAHAN
NG IMPERYALISMO AT MGA KASAPAKAT NITO
Ang nakaraang buwan ay kinakitaan ng sunod-sunod na terorismong isinagawa ng “Islamic State” o IS (“Da’esh” sa mga Arabo) sa iba’t-ibang panig ng Gitnang Silangan, Europa at Aprika.
Mga Teroristang Pag-atake sa Ehipto at Lebanon
Una rito ay ang pagpapasabog noong Oktubre 31 sa Flight 7K-9268 ng MetroJet airline ng Rusya, na kumitil sa 224 na pasahero at mga tripulante na lulan sa eroplanong Airbus A-321-200 na lumipad mula sa paliparan ng Sharm El-Shiek resort ng Ehipto pabalik sana sa Saint Petersburg (Leningrad) sa Rusya. Ang mga pasahero ay pawang mga Rusong sibilyang nagbakasyon sa Red Sea resort na iyon, at ang mga tripulante ay pawang mga Rusong sibilyan rin.
Inamin ng IS na mga tauhan nila ang nagtanim ng bomba, kaya sumabog ang eroplanong iyon sa ibabaw ng Sinai peninsula ng Ehipto makaraan laman ng 23 minuto ng paglipad. Ang debris ng sumabog na eroplano, at ang mga bangkay, ay pakalat na bumagsak mula sa ere patungo sa isang lawak na 5 kilometro ang haba.
Sumunod rito ay pagpapasabog sa sarili ng 2 IS suicide bombers malapit sa palengke at sa Husseiniyeh mosque sa loob ng security zone ng grupong Hezbollah sa distrito ng Burj al-Barajneh sa timog Beirut, kapitolyo ng Lebanon, noong Nobyembre 12. Ito ay agad ikinasawi ng 46, at ikinasugat ng 250 (na ang marami ay grabeng nasugatan). Tinarget na naman ng IS (na kabilang sa sektang muslim na Sunni na suportado ng Saudi Arabia) ang Hezbollah (na kabilang naman sa sektang Muslim na Shia o Shiite, na suportado ng Iran), at ito’y pinakahuli lamang sa mahabang serye ng mga madugong pag-atake ng IS laban sa iba’t-ibang mga grupo sa Lebanon na hindi Sunni.
Dalawa pang IS suicide bombers ang naduwag at hindi nakapagpasabog sa kanilang explosive vests. Ang isa rito ay napatay at nasuri ng awtoridad ang kanyang dalang C-4 explosive. Ang isa naman ay tumakbo at nakapagtago sa kalapit na Burj al-Barajneh refugee camp ng mga Palestino, bagay na umani ng galit ng Hezbollah laban sa mga neutral na sibilyang Palestinian refugees doon. Malinaw na ang teroristang pag-atakeng iyon ay nakatuon sa pagsira sa pambansang pagkakaisa ng Lebanon. Ang pangyayaring iyon ay nagbabadya rin ng pagkakadamay ng mga Palestinian refugees sa Lebanon (na may bilang na mga 270,000 sa kabuuan ng bansang iyon) sa mga labanan doon.
Mga Teroristang Pag-atake rin sa Pransiya at sa Aprika
Noon namang Nobyembre 13 ay nagsagawa ng 6 na magkakaugnay na mga teroristang pag-atake ang IS sa ilang lugar sa Paris, ang kapitolyo ng Pransiya, kung saan 130 agad ang nasawi at 200 ang nasugatan. Apat na terorista ng IS ang namaril at nagpasabog sa isang mataong rock concert sa Bataclan concert hall, kung saan 87 kabataan ang napatay at marami pa ang nasugatan.
May 40 iba pa ang napatay sa mga pag-atake, kasama na ang double suicide bombing sa labas ng pambansang stadium (ang Stade de France) kung saan nanonood noon ng isang larong soccer si Pangulong Hollande ng Pransiya at ang foreign minister ng Alemanya. Ilan sa mga operatiba ng IS na namaril sa ilang mataong restaurants sa Paris ay nakatakas patungong Belgium, bagamat ang ilang nagtago sa loob rin ng Pransiya ay napatay sa sumunod na mga raids na isinagawa ng mga awtoridad.
Sumunod rito ay nagsagawa noong Nobyembre 17 ang kaugnay na grupo ng IS sa Nigeria --- ang Boko Haram --- ng pambobomba sa isang mataong lugar sa Yola, kapitolyo ng Adamawa state, na ikinamatay ng 32 katao at ikinasugat ng 80 iba pa. Ilang libo na ang napapatay ng Boko Haram, at ilang daang dalagita ang kinidnap at ginawa nilang sex slaves sa iba’t-ibang bahagi ng West-Central Africa, sa teroristang layunin nila na magtayo ng isang “Islamic state” sa hilagang-silangang Nigeria at sa mga kalapit na bahagi ng Niger, Cameroon at Chad.
Nito namang Nobyembre 20 ay inatake ng kaugnay na grupo ng Al-Qaeda sa Mali --- ang “al-Mourabitoun”, na pinamumunuan ng teroristang Algerian na si Mokhtar Belmokhtar --- ang luxury Radisson Blu Hotel sa kapitolyong lungsod ng Bamako. Hindi kukulangin sa 27 ang kanilang napatay, at mga 200 ang na-hostage, bago sila nasugpo ng rumespondeng mga tropa ng Mali at Pransiya na nagpalaya sa mga hostages. Ang grupong “al-Mourabitoun” ay 2 taon nang nagsasagawa ng teroristang pag-atake sa ibat-ibang bahagi ng Mali, at ganoon rin sa ilang bahagi ng mga katabing bansang Mauritania at Burkina Faso.
Mga Teroristang Pagkilos sa Iba pang Panig ng Mundo
Mariing kinokondena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930) ang lahat ng mga teroristang pag-atakeng iyon ng IS at Al-Qaeda na parehas na binuo at patuloy na sinusuportahan ng imperyalismo, pangunahin na ng imperyalismong Kano. Ang PKP-1930 ay nagpapaabot rin ng nakikiramay sa pamilya ng lahat ng mga napatay, at ng mapagkapatirang paghahangad na ang lahat ng mga nasugatan ay agad gumaling.
Gayundin, nais pansinin ng PKP-1930 na ang terorismo ng IS, Al-Qaeda at mga kaugnay nila, ay matagal na ring nangyayari sa Syria, Iraq, Libya, Afghanistan, Pakistan at Yemen. Sa Silangang Aprika, isang kaugnay na grupo ng IS --- ang Al-Shabaab --- ay naghahasik ng terorismo sa Somalia at mga katabing lugar ng Kenya at Ethiopia. Sang-ayon sa ilang pag-aaral, ang IS, Al-Qaeda at iba pang kahalintulad at kaugnay nilang mga grupong terorista ay kumikilos sa 41 mga bansa kung saan may malalaking populasyon ng mga Muslim (may kabuuang isa’t-kalahating bilyong Muslim sa ating planeta). Kasama na rito ang mga grupong terorista o “jihadist” sa Bosnia at Kosovo sa dating Yugoslavia ; sa Caucasus at iba pang lugar sa Rusya ; sa Xinjiang sa kanlurang Tsina ; sa ilang bahagi ng Indonesia ; at maging sa Mindanao dito sa Pilipinas.
Sa kabila ng kunwari’y paglaban nila sa Al-Qaeda at IS, sa katunayan ay ang mga imperyalistang bansa (pangunahin na ang USA at UK), ang Turkey (na kabilang sa North Atlantic Treaty Organization, o NATO), ang Saudi Arabia at iba pang mga monarkiya sa Persian Gulf, ang siyang mga taga-tustos ng armas, salapi at tauhan para sa Al-Qaeda at sa IS. Ang unang pagkakaisa nila ay nangyari noong 1979, kung kailan nag-umpisa ang covert operations ng USA laban sa secular na pamahalaan ni Nur Mohammad Taraki sa Afghanistan (6 na buwan bago pa dumating doon ang mga internasyunalistang puwersa ng Unyong Sobyet).
Ang Imperyalistang Pagbubuo sa Al-Qaeda at sa “Islamic State”
Doon unang ginamit ng USA at mga kasapakat nito ang Islamic fundamentalism, sa hanay ng mga Muslim na Sunni, upang ipanglaban sa lehitimong pamahalaang secular sa Afghanistan. Doon unang natanghal ang teroristang grupong Al-Qaeda na pinagtulungang buuin at sanayin sa Pakistan ng USA at Saudi Arabia. Sa Al-Qaeda rin noon napabilang ang iba’t-ibang mga jihadists mula sa Mindanao (halos lahat ng mga Muslim sa Pilipinas ay kabilang sa sektang Sunni), na sa bandang huli ay nagbuo sa teroristang grupong Abu Sayyaf at nakapamuno rin sa grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa panahon ni Saddam Hussein ay isang bansang secular ang Iraq, kung saan walang naging papel ang mga Islamic fundamentalists at jihadists. Mayroon na rin noong mga pagkakaiba ang mga Shia at Sunni doon, at gayundin ng ethnikong grupong Kurdish, ngunit sa pangkabuuan ay mapayapa ang kanilang pakikipamuhay sa isa’t-isa. Ngunit nang malupig na ng USA ang Iraq noong 2003 ay inumpisahan ng USA ang pagpapakalat sa Islamic fundamentalism sa hanay ng mga Sunni, bilang bahagi ng paghahanda sa balak noon na pagsalakay ng USA sa Iran na isang predominantly Shiite na bansa.
Doon sa Iraq nag-umpisa noong 2006 ang pagkakabuo ng IS sa tulong ng USA at Saudi Arabia. Ang mga namuno sa pagbubuo ng IS ay si Abu Musab al Zarkawi na isang Jordanian, at si Abu Ayyub al-Masri na isang Egyptian, na parehas nagmula sa Al-Qaeda. Ang pagbubuo sa IS noon ay para sa layuning magamit ito ng imperyalismo upang wasakin ang pambansang pagkakaisa ng Iraq.
Ang “New Middle-East Plan” ng Imperyalismo at Zionismo
Ang USA at Israel ay may “New Middle-East Plan” kung saan ang Iraq ay paghahati-hatiin sa mga sub-states na Sunni, Shiite, Kurdish, Yazidi, atbp., at tungo rito ay kailangan ang teroristang grupong IS upang paglaban-labanin ang mga sekta at grupong ethnikong ito.
Sa ilalim rin ng “New Middle-East Plan” ay nais ng imperyalismong Kano at zionistang Israel na paghati-hatiin ang Libya sa 3 sub-states, batay sa mga pangunahing tribo sa Tripoli, Sirt at Benghazi. Sa panahon ni Moammar Gaddafi ay napangalagaan ang pambansang pagkakaisa at secular na status ng Libya ; ngunit ang ipinanglaban sa kanya ng imperyalismo ay ang mga jihadists na naging bahagi na rin ng IS. Matapos maibagsak si Gaddafi ay nasira na ang pambansang pagkakaisa ng Libya, at naipatutupad na ng USA ang balak para sa Libya sang-ayon sa “New Middle-East Plan”.
Gayundin, sa ilalim ng “New Middle-East Plan” ay balak ng imperyalismong Kano at zionistang Israel na paghati-hatiin ang Syria sa mga sub-states na Sunni, Shiite, Kurdish, Alawite, at iba’t-iba pa, kaya kailangan ang terorismo ng IS upang paglaban-labanin ang mga iyon. Kung paanong ang “regime change” ay mabilis na naisagawa ng imperyalismo sa Libya, ganito rin ang nais nila sa Syria sa pamamagitan ng pagpapasama at pagpapabagsak kay Pangulong Bashar Al-Assad. Ito ang tunay na layon sa likod ng pandirigma ngayon sa Syria na isinasagawa ng imperyalistang USA-NATO, Israel, Turkey, Saudi Arabia, Qatar at iba pang mga monarkiyang Arabo. Ang paghahati-hati sa Lebanon at Iran ay balak rin ng USA at Israel sa ilalim ng kanilang “New Middle-East Plan”.
Kung mapaghahati-hati sa mga sub-states ang mga bansang iyon, mas madaling mahahawakan ng USA ang oil resources ng mga iyon, mas madaling pag-away-awayin ang mga sub-states na iyon, at mas madaling magagawa ng Israel ang papel nito bilang bantay at tagapangasiwa ng imperyalismo para sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Bandang huli, ang mga kasapakat ng USA at Israel na mga bansang Turkey at Saudi Arabia ay paghahati-hatiin rin sa ilalim ng “New Middle-East Plan” (balak na gawing tig-tatlong sub-states ang Turkey at ang Saudi Arabia).
Ang Syria ang Pangunahing Target Ngayon ng Imperyalismo at Zionismo
Sa mga bansang Arabo, ang Saudi Arabia, Qatar, Bahrain at iba pang mga monarkiya na pawang mga kasapakat ng imperyalismong Kano ay mga despotikong diktadura na walang paggalang sa mga karapatang pantao. Sa kabilang dako, ang Syria ay isang bansang secular na may tunguhing sosyalista. Dahil sa pagiging independiente ng Syria mula sa diktasyon ng imperyalismo kaya naman si Pangulong Bashar Al-Assad ay target ng “regime change”, simula pa noong 2011, sa pamamagitan ng terorismo ng IS, Al-Qaeda at mga kaugnay nito.
Ang unang nagdala ng foreign recruits sa Syria (na sinanay muna sa Turkey) upang lumaban sa pamahalaang Al-Assad ay ang grupong IS mula sa Libya sa pamumuno ni Abdelhakim Belhadj, na nagsimula bilang operatiba ng Al-Qaeda. Ang Al-Qaeda ay nagbuo rin ng sariling teroristang grupo sa Syria (na sinanay muna sa Jordan) na kung tawagin ay Al-Nusra Front. Maaalala na ang grupong Al-Nusra ang nang-hostage sa ilang Pilipinong sundalo na kabilang sa United Nations Disengagement Observation Force (UNDOF) sa Golan Heights, ilang taon na ang nakalilipas, at siya ring nakalaban ng UNDOF bago umalis ang mga Pilipinong sundalo mula sa Golan Heights.
Sa pagtustos sa IS at Al-Qaeda sa Syria, pangunahing nais ng imperyalismong Kano na maibagsak si Al-Assad at maipalit sa kanya ang isang magsisilbi bilang papet ng imperyalismong Kano --- isang magpapaalis sa impluwensiya ng Iran at Rusya sa Syria. Sa pagtustos rin sa IS at Al-Qaeda sa Syria, nais naman ng Saudi Arabia, Qatar at iba pang despotikong monarkiyang Arabo na maibagsak si Al-Assad na isang Alawite (bahagi ng Shiites). Ito rin ang layon ng Saudi Arabia, Qatar at iba pang despotikong monarkiyang Arabo sa kanilang pambobomba sa Yemen --- upang mapuksa ang mga rebeldeng Houthi na kabilang sa sektang Shiite.
Gayundin, may masidhing galit ang Qatar at Saudi Arabia laban kay Al-Assad dahil patuloy na tumututol si Al-Assad sa balak ng Qatar at Saudi Arabia na maglagay ng natural gas pipelines na dadaan sa Syria patungong Europa. Ang mga balak na gas pipelines na ito ay maaaring maka-kumpetensiya sa Rusya bilang siyang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya (natural gas) para sa Europa.
Nabibigo nga lamang ang operasyong “regime change” ng imperyalismo dahil sa patuloy na pagsuporta sa Syria ng Rusya, Iran, at mga mahahalagang puwersa sa Lebanon at Iraq. Nang hindi agad mapabagsak si Al-Assad, tuwirang nagsagawa ng pambobomba sa Syria simula noong 2014 ang mga puwersa ng USA-NATO at ng mga despotikong monarkiyang Arabo. Kunwari’y kontra-IS ang mga pambobombang ito, ngunit ang pakay ay wasakin ang infrastructures ng Syria, at pilitin ang mga Syrian na lumikas palabas ng Syria.
Sa katunayan ay lantarang sinusuportahan ng Turkey, Saudi Arabia at Qatar ang IS. Ang USA naman ay patago pa kunwari ang pagtulong sa IS ; sang-ayon kay MP Hakim Zamili, tagapangulo ng Parliamentary Commission on Security and Defense ng Iraq, may mga patunay sila noon pa mang 2014 na mga eroplanong Kano ang nagdadala ng mga armas at supplies sa mga puwersa ng IS, at may mga armas at bala pa na ibinabagsak sa IS sa pamamagitan ng parachutes. Isang analyst sa USA, si Michael Snyder, ang nag-comment tuloy nang ganito : “We have the most sophisticated military in the entire planet and yet we drop weapons into the hands of the enemy by mistake ? Come On.”
Ang Natatanging Papel ng Turkey sa Pangwawasak sa Syria
Isa pang bansa na nais ibagsak ang pamahalaan sa Syria ay ang Turkey, isang katabing bansang kabilang sa NATO, at pinamumunuan ng isang napaka-reaksiyonaryong Islamic regime. Galit ang Turkey sa Syria dahil mayroong populasyong Kurdish sa Syria na nakikiisa sa mga Kurds sa Turkey sa paglalayong magkaroon ng Kurdish homeland ang lahat ng mga Kurds sa Turkey, Syria at Iraq. Tumutulong ang Turkey sa IS upang labanan nito ang mga Kurds sa Syria. Tinutulungan pa ng Turkey ang IS sa pagnanakaw ng langis mula sa Syria, sapagkat ang mga kapitalista sa Turkey ang bumibili mula sa IS (sa napakamurang halaga) ng langis na mula sa mga nakubkob nilang mga oil installations sa Syria (at maging sa Iraq).
Mga oil tankers mula rin sa Turkey ang nagdadala ng ninakaw na langis mula Syria papuntang Turkey. Tinataya na aabot sa USD$2-Million araw-araw ang halaga ng binibiling langis ng mga kapitalistang Turkish mula sa IS sa Syria at maging sa Iraq. Sa pagpupulong ng G-20 (grupo ng 20 pinakamaunlad na bansa sa mundo) na ginanap sa Antalya, Turkey, nitong Nobyembre 16, ibinunyag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na may 40 bansa (kasama na ang ilang kabilang sa G-20) ang nagtutustos sa mga teroristang pagkilos ng IS sa Syria. Ibinunyag rin ni Putin na ang convoys ng mga tankers na nagdadala ng ninakaw na langis mula Syria patungong Turkey ay umaabot sa ilang dosenang kilometro ang haba.
Sa kahilingan ng Syria ay nagsagawa ng pambobomba ang Rusya sa mga kuta ng IS, Al-Qaeda at iba pang teroristang grupo na nasa loob ng Syria. Binomba rin ng Rusya ang ilang oil facilities na hawak ng IS, at ang convoy ng mga tankers na nagdadala ng ninakaw na langis mula Syria patungong Turkey. Dahil napinsala ang mga teroristang grupong suportado ng Turkey sa loob ng Syria, at dahil naapektuhan rin ang negosyo ng mga kapitalistang Turkish hinggil sa nakaw na langis mula sa Syria, maaasahan na gagawa ng paraan ang Turkey upang makaganti sa Rusya.
Ang Paglalantad at Paglaban sa Terorismo
Sa harap ng ganitong mga kalagayan, kailangang ilantad, tuligsain at labanan ang IS na binuo at patuloy na tinutustusan ng imperyalismong Kano at mga kasapakat nito. Kailangang pigilin ang patuloy na pagtustos ng imperyalismo at mga kasapakat nito sa mga teroristang pagkilos ng IS na naglalayong palubhain pa ang paglabas ng mga refugees mula sa Syria. Kailangan ring pigilin ang balak ng USA at mga bansang Europeo na isarado na ang kanilang pagtanggap ng mga refugees mula Syria, Iraq, Libya at iba pang bansang kanilang sinalakay at winasak. Sila na may kagagawan sa refugee problem ay hindi dapat payagan na higit pang pahirapan ang mga refugees na kanilang nilikha.
Kailangang ipagtanggol ang pambansang pagkakaisa, soberanya at integridad na pang-teritoryo ng Iraq, Libya, Syria, Lebanon at iba pang mga bansang ginugulo ng imperyalismo sa pamamagitan ng IS at iba pang teroristang grupo. Kailangang suportahan ang lehitimong pamahalaang Al-Assad sa Syria, at ang karapatan nitong humingi ng tulong mula sa Rusya. Dapat ring suportahan ang isinasagawa ng Rusya na pagtulong sa Syria sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga pag-atake sa IS sa loob ng Syria.
Dapat ring komprontahin ang mga puwersang kaugnay ng IS, Al-Qaeda at iba pang teroristang grupo na pinalago ng imperyalismo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Dito sa ating bansa ay kailangang sugpuin ang Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang teroristang grupo na kaugnay o sumasampalataya sa IS o Al-Qaeda. Gayunpaman, ang pagsugpo sa mga terorista ay hindi dapat matungo sa anumang racist na pag-atake sa mga Muslim. Kung paanong hindi pwedeng isisi sa lahat ng Kristiyano ang mga krimen ng mga Nazi, hindi rin pwedeng isisi sa lahat ng Muslim ang mga krimen ng IS.
Hindi rin dapat kalimutan na mga Muslim rin ang mga pangunahing biktima ng IS, na nais takasan ng maraming mamamayan sa Gitnang Silangan na ngayon ay naging refugees na sa Europa. Ang terorismo ng IS ay hindi rin dapat gamitin bilang katwiran para sa muling pananalakay o paglalatag ng mga imperyalistang proyekto na gagawa ng mga sikretong torture centers, sikretong kulungan, at mga hakbang na sisikil sa mga karapatan at kalayaan ng bawat indibidwal.
Nakalulungkot na ang itinanim ng IS na “religious war” sa pagitan ng mga Sunni at Shia (at sa pagitan ng mga Sunni at ng lahat ng iba pang sektang hindi-Sunni) ay mahirap agad mapawi, at ang mapanghati at nakalalasong environment na ginawa nito ay maaaring tumagal nang ilang henerasyon. Sa pangkalahatan, ang terorismo ay nagtatanim ng trahedya na kadalasang may epekto na pangmatagalang pagkakahati at paglalabanan sa lipunan. Sa karanasan ng ating bansa, ang teroristang pambobomba ng mga maoista sa miting-de-abanse ng Liberal Party sa Plaza Miranda noong 1971 ang nagbago sa takbo ng ating kasaysayan at naging probokasyon para sa mga panunugpo at sa deklarasyon ng martial law, at napunta sa pagkakahati-hati ng ating sambayanan at sa madugong mga paglalabanan na nakakaakpekto sa makabayang kilusan at sa ating buong lipunan hanggang sa ngayon.
Ang Paglutas sa mga Ugat ng Religious Fundamentalism
Gayunpaman, ang paglitaw ng Islamic fundamentalism ay nag-uugat rin sa mga kalagayang socio-ekonomiko --- ang kahirapan, kawalan ng trabaho, diktatoryal na mga rehimen (lalo na sa mga bansang Arabo), at ang pagkakalugmok ng bansa sa imperyalistang pananakop --- na nagdudulot ng kawalang-pag-asa lalo na sa hanay ng kabataan. Ang mga ito ang madaling maakit ng mga religious fundamentalists na lumalason sa kaisipan at nagpapanukala ng mabilis na teroristang paraan para makapiling si Allah sa kaligayahan ng paraiso.
Sa ganitong kalagayan, may mga kinakailangang isagawa ang pandaigdigang komunidad upang permanenteng malutas ang mga ugat ng terorismo. Kailangan ang pagpawi sa kahirapan at unemployment, na tunay na matatamo lamang sa pamamagitan ng pakikibaka para sa pagbabago ng lipunan tungo sa sistemang sosyalista. Kailangan ang pagwawaksi sa mga diktatoryal at awtokratikong mga monarkiya (tulad ng sa Saudi Arabia at iba pang kahariang Arabo) na gumagamit sa relihiyon upang mapanatili ang mediaeval na mga kalagayang kontra-demokratiko. Kailangan rin ang paglaya ng mga bansa mula sa pananakop, kontrol o diktasyon ng imperyalismo.
Maraming mga Islamic fundamentalists ang nagbubuhos ng galit sa kalagayang lugmok o humiliation ng sambayanang Palestino, na nasa ilalim ng teroristang pananakop ng zionistang Israel simula pa noong 1948. Upang maalis ang ganitong tampulan ng galit ay nararapat lamang na magtulungan ang buong pandaigdigang komunidad upang mapalaya na ang Palestine (at pati na ang Golan Heights na inagaw ng Israel mula sa Syria), at matigil na ang papel ng Israel bilang tagabantay ng imperyalismo sa Gitnang Silangan. Ang pagbibigay ng hustisya sa Palestine, at ang pagtitigil sa kolonyalistang papel ng Israel, ay nangangailangan ng agarang pandaigdigang pagpigil sa anumang shipment ng mga kagamitang militar na ipinadadala sa Israel ng imperyalismong Kano.
Isa pang tampulan ng galit at pagkasiphayo ng mga Arabo at Muslim ay ang pagpapatuloy sa kapangyarihan ng mga corrupt, mapanugpo at diktador na mga rehimen sa karamihan ng mga bansang Arabo at Muslim (na ang karamihan ay sinusuhayan ng mga imperyalista, pangunahin na ng USA). Ang ganitong mga rehimen na pumipigil sa mga karapatang pantao ay nagiging ehemplo lamang para sa pangaral ng mga extremists na walang magiging pagbabago kung hindi gagamitan ng karahasan at terorismo.
Ang marahas na extremism ay maaari lamang matigil kung ang mga mamamayan ay may pagkakataong ipahayag ang kanilang mga hinaing sa demokratikong mga proseso, at magkakaroon ng tinig sa pamamagitan ng malakas na mga samahan tulad ng mga unyon at mga demokratikong organisasyon. Dagdag pa rito ay dapat na may kaagapay na pag-unlad sa mga larangan ng edukasyon at kabuhayan upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng pag-asa para sa buhay na may dignidad.
Sa pangkabuuan, ang pagsugpo sa terorismo --- kasama na ang terorismo ng IS --- ay nangangailangan ng malawak at puspusang pakikibaka laban sa imperyalismo na siyang nagluluwal ng terorismo. Ang pagsugpo sa terorismo at imperyalismo ay nakabatay sa pandaigdigang pakikibaka para sa kapayapaan, kalayaan, demokrasya at katarungang panlipunan para sa buong sangkatauhan.
KA. TONY PARIS
Pangkalahatang Kalihim, PKP-1930
Nobyembre 24, 2015
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION(APEC) ---
ISANG FORUM PATUNGO SA MALAWAKANG
DIKTASYON NG MGA KORPORASYONG TRANSNASYUNALNgayong Nobyembre 18-19 ay idaraos sa Kamaynilaan ang APEC Economic Leaders’ Meeting (o “summit meeting”) na lalahukan ng mga pinuno ng 21 mga “economies” na kabilang rito. Dadalo rin ang mga pinuno ng mga imbitadong bansa (tulad ng Colombia) at ng mga observer organizations (tulad ng ASEAN, Pacific Islands Forum, at Pacific Economic Cooperation Council). Itinuturing ang APEC bilang isang forum ng mga “economies” (hindi ng mga bansa), kaya naman kabilang rito ang Hong Kong (na umanib noon bilang kolonya pa ng Britanya, ngunit ngayon ay isa nang Special Administrative Region ng Tsina) at ang Taiwan (isang “break-away” na bahagi ng Tsina).
Ang pagdaraos ng Leaders’ Meeting sa Kamaynilaan, at ng iba’t-ibang mga naunang APEC Ministerial Meetings at Public-Private Business Meetings sa Iloilo, Boracay, Kamaynilaan at iba pang venues sa ating bansa ngayong 2015, ay tinatayang gagastusan ng pamahalaang PNoy ng hindi kukulangin sa P10-Bilyon. Hindi na bale kung wala nang mai-pondo ang pamahalaan para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda at ng Zamboanga Seige, basta makapagpasikat lang. Inaasahan kasing darating ang halos 2,000 foreign mediamen at ilang libong mga malalaking kapitalista na kasama ng mga pinunong dadalo sa Leaders’ Meeting.
Ang ilang linggong preparasyon para sa pagdaraos ng Leaders’ Meeting ay nagdulot ng grabeng sitwasyon sa trapik na napakalaki ng gastos sa sambayanan sa Kamaynilaan. Milyong mga estudyante at manggagawa sa Kamaynilaan ang pwersahang pinagbakasyon nang ilang araw para bawasan ang trapik sa buong linggo ng Leaders’ Forum. Ang kanselasyon ng mga airline flights sa Maynila sa panahon ng Leaders’ Meeting ay malaking kawalan, hindi lamang para sa negosyo ng airlines, kundi lalo na sa maraming manggagawang nakasalalay ang kabuhayan sa serbisyong ito.
Para sa milyong mga manggagawa sa pribadong sektor na sapilitang pinagbakasyon nang ilang araw, masaklap ito dahil sa kaakibat na patakarang “no-work,-no-pay”. Ang pagpapaliban ng mga appointments, mga klase sa paaralan, at mga transaksiyon at mga pagdinig (lalo na’t dahil sa “pagbabakasyon” ng mga ahensiya ng pamahalaan) ay pagbabayaran pa ng sambayanan sa susunod na mga buwan. Ang hosting ng Pilipinas sa mga APEC meetings sa taong ito ay isang malaking security risk, dahil na rin sa pagkakaroon sa ating bansa ng mga teroristang grupo na kaugnay ng “Islamic State”, Al-Qaeda at iba pang mga dayuhang kilusang terorista. Kaya naman tiyak ang pagbubuhos ng mga police-military intelligence at operations funds na hiwalay pa sa mga lantad na pondo para sa APEC meetings.
Ngunit para saan nga ba ang pinagkakagastusan nating hosting ng APEC na pangalawang ulit na natin ngayong ginagawa (ang unang beses na noong 1996 sa Subic-SBMA sa panahon ng administrasyong Ramos) ? Ang lahat ng ito ay para lamang higit na maipatanggap sa kabuuan ng rehiyon ng Pacific Rim (mga bansa ng Asya at Timog at Hilagang Amerika na nasa baybayin ng Pasipiko) ang higit na “pagbubukas” ng mga ekonomya ng mga bansa para sa pagpasok ng dayuhang pamumuhunan, ang higit na liberalisasyon ng kalakalan, at higit na deregulasyon sa mga negosyo, na pawang papabor sa mga korporasyong transnasyunal. Kaakibat pa rito ang pagpapalawak ng privatization ng mga pambansang kabuhayan, ang pagpapaliit at tuluyang pag-aalis sa pang-estadong sektor ng ekonomya, at ang pagbubukas ng daan sa diktasyon ng imperyalismo --- sa katauhan ng mga korporasyong transnasyunal --- sa buong rehiyong ito.
Ang Imperyalistang Layunin ng Pag-aalis sa “Trade and Investment Barriers”Ang APEC ay itinatag noong 1989 sa isang ministerial meeting ng 12 bansa (USA, Japan, Canada, Australia, South Korea, New Zealand, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand Singapore at Brunei) na ginanap sa Australia, kasunod ng mga panawagan ng mga imperyalistang bansa para sa pag-aalis sa mga “trade and investment barriers” sa iba’t-ibang rehiyon ng mundo. Ang Tsina, Taiwan at Hong Kong ay umanib sa APEC noong 1991 ; ang Mexico at Papua New Guinea noong 1993 ; ang Chile noong 1994 ; at ang Peru, Rusya at Biyetnam noong 1998.
Inumpisahan ni Clinton ang pagpapatawag ng summit ng mga pinuno ng mga pamahalaan at “economies” na kabilang sa APEC noong 1993, kung saan binuo ang isang APEC Secretariat na nakabase sa Singapore para sa koordinasyon ng mga pagkilos ng APEC. Sa summit meeting sa Indonesia noong 1994 ay itinakda ang mga targets na “free and open trade and investment” para sa mga industriyalisadong bansa pagdating ng 2010, at para sa mga papaunlad na bansa pagdating ng 2020. Ngunit tulad ng inaasahan, dumaan ang 2010 pero nanatiling isang pangarap para sa mga ordinaryong kapitalista mula sa papaunlad na mga bansa ang malayang pagluluwas ng mga produkto at pamumuhunan tungo sa mga imperyalistang bansa. Ang APEC ay nananatiling isang karagatan ng “equal co-existence” ng mga pating at sardinas, kung saan ang mga sardinas ay obligadong buksan ang kanilang mga lugar sa “pantay” na pagpasok ng mga pating.
Kung ganito ang kalagayan, e bakit naman may mga papaunlad na bansa na umanib sa APEC ? Sapagkat sa loob ng mga papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas ay mayroong isang maliit na uri ng mga kapitalista --- isang oligarkiya --- na nais ring magpalawak ng kanilang pamumuhunan at pagluluwas ng produkto sa ibang mga bansang kabilang sa APEC. Kahit anupamang panawagan ang gawin ng pamahalaan sa mga lokal na kapitalista na dito nila sa ating bansa ire-invest ang mga tinubo nila mula sa ating sambayanan, ang mga kapitalistang ito (na ang karamihan ay mga Tsinoy, Amnoy at Kastilanoy) ay walang anumang pagkamakabayan, at laging handa na maglipat ng puhunan sa ibang bansa kung saan sila higit na makapagkakamal ng yaman.
Ang Pagsusulong sa Kani-Kanilang Kapitalistang KapakananE bakit naman umanib rin sa APEC ang Tsina, na isang bansang pinamamahalaan ng isang partido komunista ? Sa kabila ng pamumuno sa Tsina ng isang partido komunista, ang ekonomya ng Tsina ay matagal nang pinangingibabawan ng isang oligarkiya ng mga kapitalista, na ang ilan ay may posisyon pa sa komite sentral ng partido komunista ng Tsina. Bagamat may kompetisyon sa pagitan ng Tsina at mga imperyalistang bansa sa pamumuno ng USA, ang Tsina ay may mahabang kasaysayan ng kooperasyon sa imperyalismo simula pa noong panahong maoista. Sa katunayan, mula kalagitnaan ng 1960s hanggang 1990 ay ginamit ng imperyalismo ang Tsina sa pakikipag-komprontasyon sa dating USSR, at nakinabang ang Tsina sa pakikipagsabwatan nito sa imperyalismo. Malaking papel sa pag-unlad ng Tsina ang pamumuhunan doon ng mga bansang imperyalista, na nagdala ng mga makabagong teknolohiya habang pinagtubuan naman ang mababang pasahod ng mga manggagawang Tsino.
Ang paglakas ng kapitalismo sa Tsina (kung saan mas marami pa ngayon ang bilang ng mga bilyonaryo, kumpara sa USA) ang nagtutulak sa hegemonistang pagpapalawak nito. Kaya naman ang malakihang pag-export ng puhunan (isang batayan ng imperyalistang paglago) ang nagbigay daan sa pagkontrol ng Tsina sa mga minahan, oilfields at railways sa Asya, Gitnang Silangan at Aprika ; at maging sa ilang seaports at industriya sa Europa. Ang pag-anib ng Tsina sa APEC ay bilang paraan upang ang kanyang malawakang pag-export ng mga kalakal at puhunan sa ibang mga bansa ng APEC ay hindi maaaring pigilan o tutulan. Ganito rin ang self-interest ng Tsina sa kanyang paglahok sa BRICS (economic bloc ng Brazil, Rusya, India, China at South Africa), sa Shanghai Cooperation Council (Tsina, Rusya at mga Asian republics ng dating USSR), at sa pagtatayo nito ngayon sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
E paano naman ang Biyetnam ? Bakit siya umanib sa APEC ? Ang Biyetnam ay may mahabang kasaysayan ng pakikibaka laban sa imperyalistang pananakop. Ngunit ang pandirigma ng USA sa Biyetnam ay nagdulot ng grabeng pagkawasak sa kanyang kabuhayan, na pinalala pa ng mga pananalakay rin ng Tsina sa Biyetnam, at ng mahabang panahon ng economic blockade ng USA laban sa Biyetnam (matapos na ng panggigiyera ng Kano doon). Dahil pa rin sa pagkawala ng USSR na siyang dating tumutulong sa kanya, napilitan ang Biyetnam na payagan ang panloob na pagbabalik ng sistemang kapitalista sa maraming larangan ng pagnenegosyo, at ang panlabas na pakikipag-ugnayan sa mga multilateral institutions na maaaring magdala ng investments sa Biyetnam.
Sa ganitong kalagayan ay kinailangang umanib ang Biyetnam sa WTO at sa APEC, hindi upang makapag-export ng puhunan, kundi upang makapag-export ng kanyang mga labis na produkto (bigas, kape, kasoy, hipon, isda at iba pang mga produktong agrikultural, at gayundin ng mga pananamit) at upang makaakit ng puhunan para sa pagpapaunlad ng kanyang mga industriya. Sa isa’t-kalahating dekada ng pag-anib ng Biyetnam sa APEC ay nagkaroon ng malaking pag-unlad ang dayuhang pribadong kapitalistang sektor doon (bagay na isang pakay rin ng APEC tungo sa mga bansang dating-sosyalista), at ang mga pribadong negosyo ang nagiging tampulan ng paglago ng corruption sa Biyetnam.
Ang iba’t-ibang bansa kung gayon ay may kani-kaniyang interest sa pag-anib at pananatili sa APEC. Para sa mga bansang imperyalista o may tunguhing imperyalista (USA, Canada, Hapon, Tsina, Timog Korea, Australia at Rusya), ang pagluluwas ng puhunan at mga kalakal ng kanilang mga korporasyong transnasyunal, at ang kontrol ng mga iyon sa mga resources ng ibang bansa, ang kanilang pangunahing pinangangalagaan. Para naman sa mga papaunlad na bansa, ang mga lokal na oligarkiya rito ang siyang nagsusulong sa kanilang kapakanan bilang mga junior partners ng imperyalismo. Wala sa agenda ng oligarkiya ang pagsusulong sa kapakanan ng mga manggagawa’t magsasaka at ng iba pang mahihirap na mamamayan, kahit na puno ng palamuti ang kanilang mga pahayag hinggil sa “poverty alleviation”, “capacity building”, “inclusive growth” at iba pang ek-ek.
Pribadong Negosyo ang Nangingibabaw, at Hindi ang PamahalaanAng tunay na pakay ng imperyalismo para sa APEC --- ang pagiging business forum nito --- ay unang nailatag sa APEC Summit sa Osaka, Japan, noong 1995, kung saan pormal na naitayo ang APEC Business Advisory Council (ABAC) na kinabibilangan ng tig-3 business executives mula sa bawat “member economy” ng APEC. Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa ABAC ay sina Jaime Augusto Zobel de Ayala (Chairman at CEO ng Ayala Corp.), Tony Tan Caktiong (founder at Chairman ng Jollibee Foods Corp.), at Doris Ho-Magsaysay (President at CEO ng A. Magsaysay Inc.).
Syempre pa, ang ABAC ang tumatayong forum ng oligarkiya ng buong rehiyon, na siyang kumakatawan sa tunay na kapangyarihan sa likod ng mga pamahalaan. Ang ABAC ang nagtatakda ng mga targets para sa pagbabawas ng “business transaction costs” (na mangangahulugan hindi lamang ng pag-aalis sa pangongotong sa negosyo, kundi sa pag-aalis mismo sa anumang government regulation sa mga negosyo), at sa “trade facilitation” (o ang pag-aalis ng anumang taripa sa imports).
Sa ilalim ng business deregulation, wala nang magiging pangangalaga sa pasahod at karapatan ng paggawa, sa kalusugan ng mamamayan, at maging sa kapakanan ng kapaligiran (environment), para lamang matiyak ang higit na pagtutubo ng mga investors. Sa ilalim naman ng “trade facilitation” (import liberalization), aalisin na ang papel ng adwana o customs dahil aalisin na ang paniningil ng taripa sa imports, at ang pagsusuri sa imports (quantity, quality, specifications, safety & phytosanitary standards, atbp.) ay ibabatay na lamang sa deklarasyon ng mga pribadong transnasyunal na inspection companies. Magiging malaya ang mga importers na kumpetensiyahin ang panloob na produksiyon at wasakin ang mga lokal na magsasaka o producers. Dahil wala nang income ang pamahalaan mula sa taripa, mapipilitan itong magtaas ng panloob na buwis tulad ng VAT at amilyar (at pati na ang paglalapat ng buwis sa mga “balikbayan boxes”), mga bagay na magpapalala lamang sa paghihirap ng mga ordinaryong mamamayan.
Sa pamamagitan ng ABAC, ang mga malalaking negosyante sa APEC ay nakakukuha ng “APEC Business Travel Cards”, at maaari nang tumungo sa anumang bansang kabilang sa APEC nang hindi na nangangailangan ng anumang visa mula sa mga bansang ito. Patuloy ring itinutulak ng APEC ang mga dati nang layunin ng Uruguay Round ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT, na siyang nagbuo sa World Trade Organization), kasama na ang pagkakaroon ng General Agreement on Trade in Services (GATS). Sa ilalim ng GATS na nais ng mga imperyalistang bansa na buksan ng mga papaunlad na bansa ang kanilang mga professional services, sa pagpasok ng mga professionals mula sa mga bansang imperyalista. Bale ang trabaho ng mga accountants, engineers, managers, lawyers at iba pang propesyunal sa mga papaunlad na bansa ay pwede nang kumpetensiyahin ng mga propesyunal mula sa mga korporasyong transnasyunal sa mga serbisyo ng mga bansang imperyalista. Ang mga certifications ng mga service TNCs hinggil sa kakayahan ng kanilang mga professional service providers ay maaari pang manaig sa mga lokal na lisensiya mula sa mga professional at civil service boards.
Ang tunguhin pa nito ay ang pagbibigay ng national treatment o parity rights sa malalaking mga kapitalista saan mang bansa nila piliing tumungo upang mamuhunan o upang magdala ng mga kalakal. Ito’y kaugnay sa panukala rin ng ABAC na magtatag ng isang Free Trade Area para sa APEC. Ang kalakaran ngayon ng bilateral na pagbibigay ng “Most-Favored Nation” treatment sa pagitan ng iilang bansa, ay babaguhin sa pamamagitan ng pagtatatag ng malawakang Free Trade Area para sa lahat ng kasapi sa APEC.
Sa paglubha ng pangkalahatang krisis ng sistemang kapitalista sa buong mundo (at sa inaasahang paghina ng economic growth sa rehiyon ng APEC), nais ng mga imperyalista na “mabakuran” ang iba’t ibang rehiyon ng mundo bilang “kanilang” sariling larangan o sphere of control. Ito ang layunin ng pananatili ng APEC (hindi na bale kung sa loob nito ay mayroong ilang nagtutunggaliang mga bansang imperyalista), at ang pagtungo nito sa pagiging isang Free Trade Area. Para sa mga imperyalistang bansa sa APEC, magiging sona-libre na ang kanilang pagpasok sa ibang mga bansang kabilang sa APEC, kung ito ay magiging isang Free Trade Area na.
Ang problema nga lang, dahil sa kapitalistang anarkiya sa produksiyon at kalakalan ay matutungo ito sa grabeng trade imbalance para sa ilang bansa (iyong mga bansang mapipilitang tumanggap ng maramihang imports, kahit wala o kaunti lamang ang kanilang ine-export, tulad ng Pilipinas na mapipilitang mag-export ng mas marami pang maids, domestic helpers at caregivers). Maaari rin itong matungo sa paglalabanan sa merkado (market conflicts o trade wars sa pagitan ng mga APEC exporters, lalo na sa pagitan ng mga imperyalistang bansa tulad ng USA, Tsina at Japan). Higit pa rito, maaari itong matungo sa paglala ng relasyon sa ibang mga bansa sa labas ng APEC (halimbawa, iyong mga bansang Europeo na maaapektuhan ang kanilang dating pakikipag-kalakalan sa mga papaunlad na bansang kabilang sa APEC, na ngayon ay “mababakuran” na ng mga imperyalistang bansa na kaanib rin ng APEC).
Ang Trans-Pacific Partnership bilang Pattern para sa APEC “Free Trade Area”Kung tutuusin ay mayroon na ngayong malawakang “free trade area” sa rehiyon ng Pacific Rim --- ang Trans-Pacific Partnership (TPP) na binuo at pinangungunahan ng USA, at kung saan etsa-fuera ang Tsina at Rusya. Ang TPP na pormal nang nabuo noong nakaraang buwan ay kinabibilangan pa lamang ng 12 bansa sa Pacific Rim --- ang USA, Japan, Canada, Australia, Mexico, New Zealand, Peru, Malaysia, Singapore, Chile, Brunei at Vietnam.
Hindi isinama ang Tsina at Rusya sa TPP dahil ang mga iyon ay mga kakumpitensiya ng USA sa panghuhuthot sa mga papaunlad na bansa sa Pacific Rim region. Higit pa rito, may mga panukala sa TPP na maaaring hindi katanggap-tanggap agad sa Tsina at Rusya. Una na rito ang pag-aalis ng farm subsidies (tulad ng libreng irigasyon, mababang presyo ng inputs, at pagtatakda ng support prices para sa mga produktong agrikultural), na siyang batayan ng food security. Ikalawa rito ang pag-aalis ng mga regulasyon na may kinalaman sa mga karapatan ng manggagawa, sa pangangalaga sa kapaligiran, at sa abot-kayang presyo ng mga gamot at ilan pang mga batayang pangangailangan. Bagamat mga kapitalistang bansa na rin ang Tsina at Rusya, iniiwasan pa rin ng mga ito ang pagkakaroon ng malawakang diskontentong panlipunan na ibubunga ng pagtanggap sa lahat ng panukala ng TPP.
Sa ilalim ng TPP ay binibigyan ng malaking kapangyarihan ang mga namumuhunang korporasyong transnasyunal, tulad ng karapatang mag-ari ng lupa at mga industriya, bumili ng murang mga resources, magbigay ng murang pasahod sa mga manggagawa, at maghabla laban sa mga pamahalaan kapag ang kanilang pagtutubo ay maaapektuhan. Ang habla ay didinggin ng mga pribadong Investor-State Dispute Settlement (ISDS) arbitral tribunals, na labas sa normal na mga sistemang legal ng mga bansa. Pwedeng maghabla rito, halimbawa, kapag ang pamahalaan ay gumagawa ng mga patakaran na magtataas sa minimum wage, o magtataas sa occupational safety at health standards, na makakabawas sa kikitain ng mga namumuhunang korporasyong transnasyunal. Ang ganitong proteksiyon para sa dayuhang puhunan ay bilang pagsasakatuparan sa dati nang panukala ng USA at iba pang bansang imperyalista, noon pa mang 1990s, para sa isang “Multilateral Agreement on Investments (MAI)”.
Ang mga bansang aanib sa TPP ay obligadong magbago sa kanilang mga pambansang batas at regulasyon upang ang mga iyon ay umayon sa mga patakaran ng TPP. Aalisin ng mga bansa ang mga proteksiyong itinatadhana sa kanilang mga batas, upang bigyang puwang ang kapakanan ng mga korporasyon. Ang TPP ay nagbibigay ng malawak na kapangyarihan sa mga bangkong transnasyunal na magpasok at maglabas ng pera sa alinmang miyembrong economy nang walang anumang regulasyon. Ang mga bansang nangangailangan ng ayuda ay aalipinin sa pautang ng mga dambuhalang financiers, at kapag nabaon na sa utang ay higit pang pipigain, tulad ng ginawa kamakailan sa Gresya. At kung sakaling may pamahalaang magtatangkang ipagtanggol ang kapakanan ng kanyang sambayanan, ang dambuhalang financiers na rin ang agad mananawagan ng pagsaklolo mula sa puwersang militar ng Kano at mga kasapakat nila, upang maipilit ang madugong paniningil sa kanilang mga ipinautang.
Isang pangunahing tunguhin ng TPP ang privatization o ang pag-aalis sa papel ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng bansa. Nais ng mga dambuhalang korporasyong Kano na alisin ng mga bansa ang kanilang mga pang-estadong sektor ng ekonomya, upang bigyang daan ang mas malawak na kontrol ng mga korporasyon sa kabuhayan ng buong sambayanan. Ipinaaalis rin ang anumang papel ng pang-estadong sektor sa pamamahagi ng mga mas murang produkto o serbisyo sa mga mamamayan (tulad ng tubig, kuryente, edukasyon, ospital, atbp.). Ang mga higanteng korporasyong transnasyunal ang bibigyan ng kalayaang magdikta ng presyo ng mga kalakal at serbisyo para sa mga consumers. Ang mga social services na ibinibigay ng pamahalaan nang hindi naman pinagkakakitaan ay aalisin, at kukunin ng mga pribadong korporasyon upang kanilang pagkakitaan.
Higit pa rito, ang TPP ay nagtatakda ng mga patakarang papabor sa Intellectual Property Rights (IPR) ng mga korporasyon. Halimbawa, ang mga patents para sa mga gamot ay pinalalawig hanggang 25 taon, upang pagtubuan nang husto ng mga dambuhalang pharmaceutical companies na may monopolyo sa merkado ng mga gamot. Ang mga magsasaka ay pipigilan rin sa sariling paghahanda at paggamit ng mga uri ng binhi na may patents, at sa paggaya sa mga patented na mga farm inputs o chemicals.
Ngayong ang TPP ay nailatag na at maaari nang tumanggap ng mga bagong aanib, malamang na iaalok ito sa mga kabilang sa APEC (maliban sa Tsina at Rusya, na tinatanaw nga bilang mga kakumpitensiya ng USA) dito sa pagpupulong ngayon ng APEC sa Kamaynilaan. Kung hindi man maipatanggap ang TPP sa karamihan ng mga papaunlad na bansang kabilang sa APEC, maaari namang gawing pattern ang TPP sa pagbubuo ng isang Free Trade Area para sa APEC na nasa ilalim rin ng kontrol ng mga imperyalista.
Sa paggamit sa TPP bilang pattern para sa isang APEC Free Trade Area, ilan lamang sa mga grabeng mangyayari ay ang pagkontrol ng mga korporasyong transnasyunal sa soberanya ng mga bansa, ang pag-aalis ng regulatory powers ng pamahalaan, ang paglilipat ng kapangyarihan mula sa pamahalaan tungo sa mga pribadong investment and trade arbitral tribunals, ang pag-aalis sa mga benepisyo at proteksiyong panlipunan, at ang pagsugpo sa mga demokratikong karapatan.
Ang Patuloy na Pakikibaka Laban sa APECAnupaman ang partikular na mga interest ng mga papaunlad na mga bansang kasapi sa APEC (at maging sa TPP), hindi maitatanggi na ang APEC (at maging ang TPP) ay mga samahang nais ipamalagi ng imperyalismo, upang hindi maalis ang kontrol ng imperyalismo sa mga papaunlad na bansang nabitag sa pag-anib sa APEC (at maging sa TPP). Sa loob ng mga samahang ito ay hindi magkakaroon ng makatarungang pakikipag-kalakalan, ng makatarungang pagtuturing sa mga karapatan ng mga manggagawa’t magsasaka, ng makatarungang pagtugon sa mga panlipunang pangangailangan ng mahihirap, at ng makatarungang pangangalaga sa kapaligiran (environment). Sa likod ng mga jargon hinggil sa “inclusive growth” ay naroon ang katotohanan ng diktasyon ng mga kapitalistang oligarkiya na siyang dahilan ng paghihikahos ng mga sambayanan.
Upang magkaroon ng tunay na “inclusive growth”, isang pangangailangan ang pagwawakas sa paggamit ng imperyalismo sa APEC at sa TPP bilang mga bakod o hawla upang ipiit at huthutin ang mga papaunlad na mga bansang nabitag sa loob ng mga ito. Dapat ring ilantad at labanan ang papel ng imperyalismo sa pagpapatanggap sa APEC at sa TPP ng diktadura ng mga korporasong transnasyunal, na siyang tunay na namamahala sa mga sambayanan ng Pacific Rim region.
Ang nangyayaring paghihirap ng sambayanang Pilipino dahil sa kontrol ng mga korporasyong transnasyunal at ng lokal na oligarkiya sa petrolyo, kuryente, tubig, banko at pinansiya, telekomunikasyon, tollways, transportasyon, at iba pang mga susing utilities, ay dapat nang wakasan. Ang pakikibaka para sa trabaho, seguridad sa pagkain, abot-kayang utilities, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at kapaligiran, kaunlaran at demokrasya --- ang lahat ng mga ito’y kaugnay sa pakikibaka laban sa kapitalistang pagkaganid, laban sa kapangyarihan ng mga korporasyon, at tungo sa paglilipat ng kapangyarihan sa kamay ng mga uring gumagawa.
Ang APEC at TPP ay mga institusyong kontrolado ng imperyalismo, at hindi mababago ang katangian ng mga iyon bilang mga piitan para sa paghuthot sa mga mamamayan ng mga papaunlad na bansang nabitag roon.
Ilantad at labanan ang imperyalistang kontrol sa APEC at TPP ! Wakasan ang diktadura ng mga korporasyong transnasyunal at mga oligarkiya sa mga pambansang kabuhayan sa Pacific Rim region !Ibagsak ang imperyalismo !
Ipagpatuloy ang pakikibaka tungo sa Pambansang Demokrasya at
Sosyalismo !
Mabuhay ang pandaigdigang pakikibaka laban sa imperyalismo,
para sa kapayapaan, kalayaan at sosyalismo !
KA. TONY PARIS
Pangkalahatang Kalihim, PKP-1930
Ika-17 ng Nobyembre 2015
- - - o o o 0 0 0 o o o - - -
MENSAHE PARA SA PAGDIRIWANG SA NOBYEMBRE 7, 2015
(Ika-85 Anibersaryo ng Pampublikong Paglulunsad sa PKP-1930,
at Ika-98 Anibersaryo ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista sa Rusya)
Mga kasama :
Sa pangalan ng Komite Sentral ng ating partido ay nais kong batiin ang lahat ng ating mga kasamang nagdiriwang ngayon sa kani-kanilang mga Panlalawigang Komite at Provincial Organizing Committees ng dalawang mahahalagang okasyon sa araw na ito : ang Ika-85 Anibersaryo ng Pampublikong Paglulunsad o Inagurasyon ng ating partido, at ang Ika-98 Anibersaryo ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre sa Rusya.
Kasabay nito ay nais ko ring ipaabot ng pakiki-simpatya ng ating buong pamunuan sa lahat ng mga kasama na dumanas ng pinsala at pagkabaha dahil sa pagdaan ng bagyong “Lando” (international name “Koppu”) may tatlong lingo pa lamang ang nakararaan. Ang bagyong “Lando” ay nagdulot ng pinsala at pagbabaha sa maraming lalawigan mula Cagayan hanggang sa Bulacan, at sana’y nakabangon na agad muli ang ating mga kasamang naapektuhan nito.
Nais ko ring ipaabot ang pasasalamat ng ating buong pamunuan sa lahat ng mga organong teritoryal na hindi nakalimot sa pag-alaala noong Nobyembre 1 (Undas) sa mga yumaong kadre ng ating Partido. Maraming salamat sa lahat ng naglinis, nagtulos ng kandila at nag-alay ng bulaklak sa puntod ng mga yumao nating mga kadre, lalo na para doon sa mga yumaong kasama na wala nang mga kaanak.
Ang Malubhang Banta ng Imperyalismo Laban sa
Kapayapaan sa Silangang Europa at Gitnang Silangan
Ang pagdiriwang sa araw na ito ng Nobyembre 7, bilang Ika-98 Anibersaryo ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre na naganap sa Rusya noong 1917, ay isinasagawa sa halos lahat ng bansa sa daigdig. Gayunpaman, ang mga pagdiriwang na ito ay ginaganap habang may malubhang banta ang imperyalismo laban sa kapayapaan at katiwasayan ng mundo.
Ang Ukraine ang gumaganap na pangunahing lundo ngayon ng military expansion ng NATO na nakatuon laban sa Rusya. Gayundin, may idine-deploy rin na mga nuclear missiles ang USA sa Poland, Hungary, Czech republic at mga Baltic states, bilang bahagi ng US nuclear confrontation laban sa Rusya. Malala ngayon ang tensiyon sa malawak na lugar sa kanlurang hangganan ng Rusya, at ang anumang aksidenteng nukleyar rito ay maaaring mahantong sa isang digmaang nukleyar na hindi magiging limitado sa Silangang Europa lamang.
Bilang pagpapamalas naman ng kanyang kakayahang militar, winasak ng Rusya sa loob lamang ng isang buwang pambobomba ang mga sentro ng “Islamic State” (IS), at iba pang teroristang grupong jihadist na suportado rin ng USA, sa loob ng Syria. Ipinakita pa ng Rusya ang accurate na kakayahan ng kanyang mga cruise missiles na inilunsad mula sa mga barkong Ruso sa Caspian Sea, at lumipad muna sa ibabaw ng Iran at Iraq bago tumama sa ilang sentro ng IS sa Syria. Bilang pag-insulto pa sa USA at NATO, nagtayo rin ang Rusya ng isang sentro sa Baghdad (kapitolyo ng Iraq) kung saan isinasagawa ang koordinasyon ng intelligence information mula sa mga pamahalaan ng Iraq, Syria, Iran at Lebanon, hinggil sa IS at iba pang teroristang grupong suportado ng USA.
Masuwerte nga lang at hindi nagkaroon ng confrontation ang mga Russian at US warplanes sa Syria, sapagkat ang anumang paglalabanan ng mga ito ay maaaring mahantong sa isang malawak na digmaang nukleyar na kasasangkutan rin ng Iran at Israel. Ang Rusya (na isa ring imperyalistang bansa ngayon) ay tumutulong sa pamahalaan ni Pangulong Bashar Al-Assad sa Syria (na isang maka-sosyalistang pamahalaan) dahil rin sa pansariling interest ng Rusya. Alam ng Rusya na ang panggugulo ng IS at iba pang jihadist groups sa Syria ay bahagi ng training ng mga grupong iyon na nagbabalak rin ng mga teroristang pagkilos sa loob ng Rusya. Bago pa makapasok o makabalik sa Rusya ang mga terorista, binabanatan na sila ng Rusya sa loob mismo ng Syria.
Sa ngayon, ang Syria ay patuloy na nahaharap sa malupit na pananalakay ng imperyalismo at mga teroristang kasapakat nito. Mahigit 250,000 na ang namamatay na Syrians, mahigit dalawang milyon na ang mga Syrians na lumikas mula sa kanilang bansa, at tinatayang sampung milyon pa ang naging internally displaced o naging refugees sa loob rin ng Syria. Marami sa mga Syrians na lumikas patungong Turkey ang tumutungo sa Kanlurang Europa bilang refugees, sa pag-asang makakahanap doon ng kabuhayan habang hindi pa natatapos ang labanan sa Syria.
Ngunit walang balak ang imperyalismo na itigil ang pandirigma sa Syria. Balak ng imperyalismo na paghati-hatiin ang Syria sa maliliit at nag-aalitang mga sub-states na nakabatay sa mga pagkakaibang sectarian at ethniko. Ganito rin ang balak ng USA at Israel para sa iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan, batay sa tinatawag nilang “New Middle East Plan”. Bale “endless conflict”, na tulad ng nangyayari ngayon sa Libya, ang balak ng USA at Israel para sa mga bansang Arabo at sa Iran.
Bahagi ng planong “divide-and-conquer” laban sa Syria, Iraq, Lebanon, Iran at iba pang bansa ay ang pagbubuo at pagsuporta sa mga teroristang grupo tulad ng Al-Qaeda at IS, na ginagamit sa panggugulo at destabilisasyon. Sa kabila ng pagpapanggap ng USA at NATO na sila ay laban sa mga terorista, sa katunayan ay sila ang patuloy na nagbibigay ng armas at iba pang panustos sa mga teroristang grupong iyon.
Ang Banta Laban sa Kapayapaan
sa Timog-Silangang Asya
Sa ating rehiyon ng Timog-Silangang Asya, ang USA ay nagsasagawa ng naval maneuvers sa pakikipag-konprontasyon sa Tsina. Ang ginagawang ito ng USA ay hindi bilang pagsuporta sa posisyon ng Pilipinas laban sa expansion at militarisasyon na isinasagawa ng Tsina sa West Philippine Sea, kundi bilang bahagi ng self-interest ng USA sa South China Sea. Tumataas ang tensiyon rito, dahil sa inter-imperialist confrontation sa pagitan ng USA at Tsina, na maaaring humantong sa isang digmaang makakaapekto sa atin.
Dahil walang kakayahan ang Pilipinas na mapalakas ang presensiya nito sa mga lugar na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone, sinusuportahan na lang ng rehimeng PNoy ang mga ginagawa ng USA laban sa Tsina. Sa kabilang dako naman, ang Tsina ay patuloy sa kanyang pamba-braso laban sa Pilipinas at Biyetnam, sa pamamagitan ng “paggawa” ng mga artipisyal na isla sa loob ng Exclusive Economic Zones ng Pilipinas at Biyetnam.
Ngayong nagpasya na ang UN Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, na dinggin ang reklamo ng Pilipinas laban sa “9-Dash-Line Map” ng Tsina, agad ring nagsabi ang Tsina na hindi nito kinikilala ang jurisdiction ng pandaigdigang korteng iyon. Ang ganitong posisyon ay pagpapakita lamang ng imperyalistang tunguhin ng Tsina, na makikita rin sa ginagawa niyang pag-export ng malaking puhunan upang mamili ng mga minahan, railways, pantalan, industriya at iba pang mga resources sa ibang bansa. Sa kabila ng pamamahala sa Tsina ng isang partido komunista, ang partidong iyon ay kasang-ayon sa mga patakaran ng World Bank, IMF, ADB at iba pang mga institusyong pampinansiya ng imperyalismo.
Itinuturing pa ng partidong iyon ang mga milyonaryo at bilyonaryong Intsik bilang mga makabagong tagapagligtas ng kanilang lipunan, at hindi iilan sa mga malalaking kapitalistang Intsik ang miyembro na ngayon ng komite sentral ng kanilang partido komunista. Mapapansin rin natin ang lantarang paggamit ng Tsina sa mga “taipans” (mga kabilang sa oligarkiyang Tsinoy) rito upang maglipat ng kanilang yaman bilang puhunan papuntang Tsina, upang mapalakas ang pagluluwas ng mga produktong Intsik papuntang Pilipinas (kahit na ito ay pumapatay sa ating lokal na produksiyon), at upang mangasiwa sa mga lokal na minahan ng mga resources na kailangan ng Tsina.
Para doon sa mayroon pang ilusyon na ang Tsina ay isa pa ring sosyalistang bansa na may tunay na partidong “komunista”, dapat nilang limiin na sa nakaraang 4 na dekada ay walang ginawa ang Tsina upang mapigil ang kapitalistang pagyabong sa loob mismo ng Tsina, upang ma-kontrol ang kapitalistang katangian ng Hong Kong, at upang mabago ang katangian ng Macau na isang sentro ng pagsusugal at prostitusyon. Sa ganitong kalagayan ay dapat lamang na ipagpatuloy natin ang ating pag-boycott sa mga produktong gawa sa Tsina, bilang pagpapakita ng ating pagkondena sa pamba-braso ng Tsina sa West Philippine Sea.
Maliban pa sa banta sa kapayapaan sa ating rehiyon na dala ng Tsina at USA, mayroon ring banta sa kapayapaan sa loob ng ating bansa na dala ng USA. Ito ay kaugnay ng paghahati sa ating teritoryo na binabalak mismo ng mga imperyalistang Kano, dahil mas inaasahan nila ang MILF sa pagbibigay sa kanila ng kontrol sa mga likas na yaman ng Mindanao. Dahil sa patuloy na pagkakabalam sa Kongreso ng panukalang Bangsamoro Basic Law (na itinuturing ng maraming mambabatas bilang isang unconstitutional na panukala), wala tayong katiyakan kung kailan muling sisiklab ang labanan at terorismo sa Mindanao at iba pang bahagi ng ating bansa
Ilang Talang Pangkasaysayan
Hinggil sa Nobyembre 7Bagamat ang ating partido ay itinatag noong Agosto 26, 1930 (ang Ika-34 na anibersaryo ng pag-uumpisa ng ating pambansang rebolusyon na pinamunuan nina Gat Andres Bonifacio at ng KATIPUNAN laban sa kolonyalismo), ang pampublikong paglulunsad naman sa ating partido ay ginanap noong gabi ng Nobyembre 7, 1930 (ang Ika-13 anibersaryo ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre na nagtagumpay sa Rusya noong 1917). Ang pagtatatag at pampublikong paglulunsad sa ating partido, sa dalawang anibersaryong iyon, ay simbolo ng paglalakip ng pagkamakabayan at internasyunalismo na siyang dalawang batayang prinsipyo ng ating partido.
Ang paglulunsad sa ating partido ay ginanap sa Plaza Moriones, sa pusod ng distrito ng mga manggagawa sa Tundo, Maynila, at dinaluhan ng halos 6,000 mga manggagawa at magsasaka mula sa Maynila at mga karatig na lalawigan sa Gitna at Timog Luzon. Mahigit 3,000 kahilingan sa pagsapi ang agad natanggap ng ating partido sa pampublikong inagurasyong iyon.
Sa inagurasyong iyon unang inihayag sa publiko ang layunin ng ating partido na makibaka para sa kagyat at lubos na kalayaan ng Pilipinas ; para sa pagpapabagsak ng imperyalismong Kano sa Pilipinas ; para wakasan ang panghuhuthot sa masa ; para patibayin ang pagkakaisa ng mga uring manggagawa’t magsasaka ; para magtatag ng isang sosyalistang sistema na pangungunahan ng masang gumagawa ; at para makiisa sa pandaigdigang kilusang rebolusyonaryo (na kinabibilangan ng Unyong Sobyet at ng mga kilusang mapagpalaya sa iba pang mga kolonya) tungo sa pagwawaksi sa pandaigdigang sistemang kapitalista.
Ang pagkakatatag ng ating partido ang siyang naging unang tunay na hamon sa kolonyal na pamamahala ng mga Kano sa ating bansa, at siyang naging unang organisadong kilusang pampulitika para sa ating pambansang kalayaan mula nang masakop tayo ng mga Kano. Hindi nakapagtataka na ang paglawak ng ating partido sa panahong iyon ay agad ring tinapatan ng panunugpo ng mga kolonyalistang Kano at ng kanilang mga lokal na kasapakat, na pawang nahintakutan sa mga layunin ng pambansang kalayaan at sosyalismo.
Mga kasama :
Sa nakaraang mga pagdiriwang ng pakakatatag at pampublikong inagurasyon ng ating partido --- sa bawat pagsapit ng Agosto 26 at Nobyembre 7 --- ay nagbabalik-tanaw tayo sa kasaysayan at mga naisagawa ng ating partido. Ang mga ito ay maaari nating muling masuri sa mga pag-aaral na nalathala na sa mga nakaraang isyu ng Sulong!, ang buwanang organo o pahayagan ng ating partido, nitong nakaraang ilang taon. Dahil rito ay hindi na natin uulitin pa rito ang nakaraang kasaysayan ng ating partido. Bagkus ay bibigyan natin ng higit na pansin ang patuloy na kahalagahan --- sa kasalukuyang kalagayan sa ating bansa at sa mundo --- ng landas tungo sa sosyalismo na binuksan para sa sangkatauhan ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre na naganap sa Rusya noong Nobyembre 7, 1917, ang kauna-unahang rebolusyong sosyalista sa daigdig.
[Hinggil nga pala rito ay dapat ipaalala na ang rebolusyong iyon ay nagtagumpay noong Oktubre 25, 1917 sa ilalim ng lumang Julian calendar na sinusunod pa noon ng rehimen ng Tsar (o emperador) sa Rusya. Ang araw na iyon ay tumutugon sa Nobyembre 7, 1917, sa ilalim ng Gregorian calendar na ipinatupad na rin agad sa sosyalistang Rusya, at siyang kalendaryong sinusunod na sa karamihan ng mga bansa ngayon. Gayunpaman, ang katawagang “Rebolusyong Oktubre” ay nananatili hanggang sa ngayon.]
Ang Patuloy na Kahalagahan ng
Rebolusyong Sosyalista ng 1917Ang Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre na nagtagumay sa Rusya noong 1917 ay nananatiling siyang pinakatampok na pangyayari sa modernong kasaysayan ng mundo, dahil iyon ang naging simula ng dakilang landas ng transpormasyon ng lipunan mula sa sistemang kapitalista tungo sa sistemang sosyalista. Lagi nating idinidiin na ang rebolusyong iyon ang nagbukas sa bagong pandaigdigang epoka ng rebolusyong sosyalista para sa sangkatauhan. Mula sa larangan ng teorya na binuo nina Karl Marx at Friedrich Engels, ang sosyalismo ay naging realidad sa Rusya, sa siyentipikong pagtatatag roon ng mga Komunistang Ruso sa pamumuno ng dakilang si Vladimir Ilyich Lenin.
Sa unang pagkakataon ay nahawakan ng mga uring gumagawa ang kapangyarihang pang-estado noong 1917, sa bansang Rusya na nasalanta ng Unang Digmaang Pandaigdig, at may wasak na ekonomya. Doon noon ay may malawak na kamangmangan sa kabila ng malaking yaman ng Tsar at ng mga nakapaligid sa kanya na mga kapitalista’t panginoong maylupa. Maraming mahirap na magsasaka ang namamatay sa gutom noon doon, samantalang maraming pagkaing produkto nila ang ibinebenta ng malalaking negosyante patungo sa ibang bansa.
Ang mapanghimagsik na katangian ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre na nagtagumpay sa Rusya noong 1917 ay agad makikita sa mga kautusang daglian nitong ipinalabas --- ang Kautusan hinggil sa Kapayapaan (Decree on Peace) at ang Kautusan hinggil sa Lupa (Decree on Land). Sa “Decree on Peace” ay nanawagan agad ang pamahalaang Sobyet para sa pagtitigil sa digmaan (ang Unang Digmaang Pandaigdig), at para sa isang kapayapaang nababatay sa katarungan at demokrasya, na walang annexation o pagkamkam sa lupain ng ibang bansa. Pinawalang-bisa rin nito ang lahat ng mga nakaraang kasunduan kung saan nakapangamkam ng mga teritoryo ang pamahalaan ng Tsar. Ang mga ito ay mga bagong konsepto noon sa relasyon sa pagitan ng mga estado.
Sa “Decree on Land” naman ay inalis ang konsepto ng pribadong pag-aari sa lupa, at ang lahat ng lupain ay inilipat sa pag-aari ng buong lipunan. Ang pamamahala sa mga asyenda ay inilipat sa grupo ng mga tuwirang nagsasaka roon, at ang mga asyendang ginagamitan ng mataas na lebel ng siyentipikong pamamaraan ay ginawang mga model farms na hawak ng estado o ng mga communes. Ipinagbawal ang pag-upa maging ng magsasaka sa lakas-paggawa ng ibang tao. Ang karapatan sa pagsasaka ay binuksan sa lahat ng mamamayan, lalake man o babae, habang sila ay may tuwirang kakayahan sa pagsasaka. Kapag sila ay tumanda na, sila ay binibigyan ng pension ng pamahalaan, at ang kanilang lupang sinasaka ay inililipat naman sa iba na may kakayahang tuwirang magsaka roon.
Ang kooperatiba o kolektibong mga paraan ng pagsasaka ay pinaunlad, upang mapahusay ang daan tungo sa mechanization at mga siyentipikong paraan ng produksiyon. Para sa mga lugar na labis ang bilang ng mga magsasaka kaysa sa pangangailangan ng pagsasaka roon, inumpisahan ang sistema ng resettlement papunta sa ibang mga lugar na maraming lupaing maaaring buksan para sa pagsasaka. Ang rebolusyong Sobyet ang nag-umpisa sa konsepto ng stewardship o pangangalaga sa paggamit sa mga lupain at maging sa kalikasan.
Ang itinatag na pamahalaang Sobyet (tulad ng alam na ng karamihan, ang ibig sabihin ng “sobyet” ay konseho o sanggunian ng masang gumagawa) sa Rusya ay agad pinaligiran at nilusob ng mga imperyalistang bansa. Tinulungan ng mga imperyalista ang mga panloob na pagbabangon ng mga reaksiyonaryong puwersa laban sa kapangyarihan ng mga Sobyet. Sa katunayan ay may mga tropang Kano mula sa Pilipinas ang sumakop sa Vladivostok noong 1918-1919.
Sa kabila ng labis na nakahihigit na kakayahang pang-ekonomiko at pangmilitar ng mga imperyalista, napalaya rin ng Soviet Red Army ang buong Rusya, sa paggiya ng idyolohiya ng Marxismo-Leninismo. Sa paggiya rin ng idyolohiyang ito, nagawa ng Rusyang Sobyet ang mabilis na pag-unlad na pangkabuhayan at panlipunan, na malaya sa krisis na dulot ng kapitalismo, sa pamamagitan ng mahusay na economic planning.
Ang Krisis ay Likas sa KapitalismoAng ating Partido ay isinilang sa panahon ng grabeng pandaigdigang krisis ng kapitalismo noong 1930. Sa ngayon, ang buong mundo ay nasa grabeng krisis muli. Ang krisis ay resulta ng di-maiiwasang paglabis ng produksiyon at ng pagka-empatso ng mga pamilihan dahil sa kawalang-plano at likas na anarkiya sa produksiyong kapitalista. Sa ngayon, ang labis na produksiyon ay makikita sa dami ng consumer goods, at maging sa dami ng mga capital goods o kagamitan sa paglikha.
Kahit sa ating bansa na hindi naman isang maunlad na bansang kapitalista, ang mga resulta ng over-production ay madaling mapansin. Ang merkado ng mga produktong elektroniko (tulad ng cellphones, cameras, computers, i-pads, tablets, DVD players, atbp.) ay saturated na. Bumabaha ang mga home appliances, kasama na ang mga segunda-mano mula sa mga bansang Hapon, Timog Korea at Estados Unidos, pero ni hindi nga makaya ng maraming mamamayan ang gastos sa kuryente para patakbuhin ang mga iyon sa kanilang mga tahanan.
Maraming mga condominium at subdivision projects ang naitayo at nananatiling tiwangwang, samantalang marami ang nagsusumiksik sa mga squatter areas, sa mga tabing-ilog, at sa ilalim ng mga tulay. Sa mga shelves ng mga supermarkets ay nag-uumapaw ang mga pagkain, na ang iba ay umaabot sa pagkabulok, samantalang maraming tao ang nagugutom. Ang kawalan at paghihikahos sa gitna ng kasaganahan --- ito ang tunay na mukha ng kapitalismo. At ito’y nangyayari hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa mga bansang imperyalista, kung saan milyun-milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho at nailitan ng pamamahay sanhi ng krisis ng kapitalismo.
Buod ng Sistemang Sosyalista
Ang sistemang sosyalista ang kaganapan ng kalayaan at katarungang panlipunan na matagal nang pangarap ng sangkatauhan. Ito’y nangangahulugan ng pag-aalis sa pribadong pag-aari ng mga kapitalista sa industriya, agrikultura at mga serbisyo --- at sa paglilipat ng mga iyon sa pag-aari ng buong sambayanan, sa ilalim ng pamamahala ng mga uring gumagawa. Sa pamamagitan nito, maipa-plano at mapauunlad nang husto ang buong ekonomya, ang lahat ng mga may kakayahan ay mabibigyan ng ikabubuhay na trabaho, at ang pakinabang mula sa pambansang ekonomya ay mapupunta na sa pagtustos sa mga pangangailangan ng sambayanan : tulad ng sapat at abot-kayang pagkain, pabahay, transportasyon, tubig, kuryente at iba pang mga utilities ; at libreng edukasyon, hospitalisasyon, pagbabakasyon, mga crèche para sa mga sanggol at bata, at iba pang mga kagalingang panlipunan.
Sa ilalim lamang ng sosyalismo nagkaroon ng tunay na katarungan, kung saan ang bawat tao ay may pantay na oportunidad sa pagpapaunlad sa sarili at sa lipunan --- nang hindi nakabatay sa personal na yaman. Sa ilalim lamang ng sosyalismo napawi ang trahedya ng unemployment at pang-aaping ethniko o pang-relihiyon, at nagkaroon ng kultura ng mapagkapatirang kolektibismo at pagtutulungan. Sa ilalim lamang ng sosyalismo nagkatotoo ang kapantayan ng kababaihan at kalalakihan, at natiyak ang katiwasayan ng mga sanggol, kabataan at mga retirado. Sa ilalim lamang ng sosyalismo nabigyan ng ayuda ang mga may-kapansanan at iba pang nangangailangan --- bilang bahagi ng kanilang mga karapatang pantao, at hindi bilang limos o kawanggawa lamang ng mayayaman sa mahihirap na tulad ng nangyayari sa sistemang kapitalista.
Ang sosyalismo ay nakatuon sa pagtiyak na mapupunan ang mga batayang pangangailangan ng sambayanan, kaya’t tinitiyak sa ilalim ng sosyalismo ang pagkakaroon ng trabaho para sa lahat, ang pagtatakda ng nakabubuhay na pasahod para sa mga nagtratrabaho, at gayundin ng disenteng pabahay at sapat na kalinga para sa bawat pamilya. Ang malubhang pagkakahating panlipunan at krisis sa ilalim ng kapitalismo ay malulunasan sa pamamagitan lamang ng pagtungo sa sistemang sosyalista na may pangkalahatang pagpa-plano. Sa sosyalismo ay ipinagbabawal ang pamamalimos, ang hindi pag-aaral ng mga bata, at ang pagsasamantala sa kapwa.
Ang sosyalismo batay sa mga siyentipikong pagbubuod nina Karl Marx, Freidrich Engels at Vladimir Lenin ay mayroong aplikasyon hindi lamang para sa Rusya o sa ilang partikular na nasyunalidad, sapagkat ito’y nakatuon sa paglaya ng buong sangkatauhan. Ito’y napatunayan sa pagkakatatag ng mapagkapatirang Unyon ng mga Republikang Sobyet Sosyalista noong 1922, at sa paglawak ng komunidad ng mga sosyalistang bansa matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (kung saan ang Unyong Sobyet ang may pinakamalaking kontribusyon tungo sa paggapi sa pasismo). Ang sosyalismo ang nagbigkis sa iba’t-ibang nasyunalidad ng Unyong Sobyet at ng mga bansang nakabilang noon sa Council for Mutual Economic Assistance (CMEA).
Sa ilalim ng sosyalismo ay napatunayan ang kakayahan ng mga uring manggagawa’t magsasaka sa mahusay at makatarungang pagpapatakbo sa pamahalaan at sa kabuuan ng lipunan. Kaya naman ang halimbawa ng matagumpay na konstruksiyon ng kauna-unahang estado ng mga manggagawa’t magsasaka, na nangyari sa Rusya bunsod ng rebolusyong sosyalista, ang siyang naging inspirasyon para sa pagtatatag ng ating Partido noong 1930. Mula noon ay hindi natinag ang marubdob na pag-asa ng mga Pilipinong komunista na dito sa ating bansa ay maitatatag rin natin ang sosyalismo, ngunit sa isang landas na dadaan sa transisyunal na yugto ng Pambansang Demokrasya.
Ang Naging Pag-urong noong 1990s,
at ang Muling Pakikibaka sa Ngayon
Bagama’t nawala ang Unyong Sobyet at ang sosyalistang komunidad noong 1990s, ang sistemang sosyalista na naitatag mula sa pagtatagumpay ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista sa Rusya noong Nobyembre 7, 1917, ay patuloy pa rin bilang inspirasyon para sa ating Partido at sa lahat ng mga Partido Komunista at Partido Obrero na tumatalunton sa Marxismo-Leninismo. Sa inspirasyon ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre, puspusang kumikilos ang mga partido komunista sa mga bansang bumubuo sa dating Unyong Sobyet, at sa dating sosyalistang komunidad, upang muling maitatag ang sistemang sosyalista.
Dahil sa mapait na karanasan ng mga sambayanan ng dating Unyong Sobyet at iba pang bansa ng dating CMEA, lumalakas ang mga kilusan na nag-aadhika ng pagbabalik sa mga sistemang sosyalista sa mga bansang iyon. Kung titignan naman natin ang kalagayan sa mga bansang kapitalista, makikita natin ang malawak na krisis pangkabuhayan. Sa mga bansang kapitalista na mga dating kolonya ng imperyalismo, makikita natin ang muling panlulupig sa kanila, at ang higit na pagkakapailalim ng kanilang mga ekonomya, pulitika at kultura sa dikta at hibo ng imperyalismo. Sa mga bansang imperyalista naman, kung saan ang kabuhayan ay higit na nabubuhos sa militarisasyon at pandirigma, dumaraming mga mamamayan ang nawawalan ng trabaho at tahanan, at nawawalan na rin ng pag-asa na malulutas ang kanilang mga suliranin sa ilalim ng sistemang kapitalista.
Nagkaroon ng pag-urong ng mga kalagayan sa mundo mula nang mawala ang Unyong Sobyet at ang sosyalistang komunidad noong 1990s. Ang pagbagsak na iyon ay hindi dahil sa anumang kamaliang pang-sistema ng sosyalismo, at ang mga ulat at indicators ng United Nations hinggil sa mataas na pamantayan ng kaunlarang pang-ekonomiko at panlipunan sa Unyong Sobyet at iba pang sosyalistang bansa noong panahong iyon ang magpapatunay rito. Ang pagbagsak ay naisagawa pangunahin na ng mga ispesyal na ahente ng imperyalismo (tulad nina Mikhail Gorbachyov, Boris Yeltsin at Eduard Shevardnadze sa dating USSR) na nakaakyat sa pinakamatataas na pamunuan ng mga sosyalistang bansa at sumira sa mga partido komunista at sa sistemang sosyalista, at nanguna sa pangungulimbat sa pang-estadong sektor at sa mga kolektibong pag-aari ng sambayanan.
Sa kanilang pagsira sa mga partido komunista at sistemang sosyalista, nawala ang mga dating libreng serbisyo dahil nabalik sa pribadong pag-aari ang mga industriya, agrikultura at service facilities. Nakapasok sa mga dating bansang sosyalista ang mga korporasyong transnasyunal ng imperyalismo, at bumalik sa mga bansang iyon ang unemployment at kagutuman, ang panghuhuthot at pang-aalipin, ang di-pagkakapantay at kamangmangan, at ang mga panlipunang krimen at sakit ng kapitalismo. Ang dating makauring pagkakaisa ng mga mamamayan ay nasira at napalitan ng mga papaurong na konseptong ethniko at relihiyoso, bagay na nagtanim ng mga sigalot sa loob at sa pagitan ng iba’t-ibang nasyunalidad. Ang dating pagkakaisa, katiwasayan at kapayapaan ng Unyong Sobyet at iba pang bansa ng CMEA ay sinira ng imperyalismo, at napalago pa doon ang mga teroristang grupong ginagabayan ng imperyalismo.
Sa naunang panahon na mayroon pang sosyalistang komunidad, napilitan ang ilang mauunlad na bansang kapitalista na makipag-kumpetensiya sa larangan ng mga benepisyong naibibigay ng mga bansang sosyalista sa kanilang mga sambayanan. Nagkaroon ng mga sistema ng “social-welfare state”, na sa isang banda ay nagtamin ng ilang ilusyon na ang kapitalismo ay may pagkalinga naman para sa mahihirap na mamamayan. Ngunit noong nawala na ang sosyalistang komunidad, nawala rin ang pagnanais ng pandaigdigang burgesya na mantenihin pa ang “social-welfare state” na may tinatawag na mga “safety nets” para sa mahihirap. Napalitan ito ng sistema ng “corporate-welfare state”, kung saan ang mga pondong publiko ay inaalis mula social welfare at tungo sa pagpapayaman ng mga korporasyon, pangunahin na iyong mga monopolistang kabilang sa tinatawag na military-industrial complexes.
Ang trahedya ng pagkawala ng sosyalistang komunidad ay nagkaroon rin ng malawak at pangmalayuang epektong negatibo para sa buong mundo, dahil nawala ang tulong na dating naaasahan mula sa sosyalistang komunidad para sa mga papaunlad na mga bansa. Sa pagkawala ng Unyong Sobyet at sosyalistang komunidad na dating nakapipigil sa pananalakay ng imperyalismo, ang mga imperyalista ay nagkaroon ng pagkakataong higit na makapanakot at manalakay sa ibang bansa, tulad sa Afghanistan, Iraq, Yugoslavia, Libya at Syria.
Mga Bagong Paraan ng
Panlilinlang sa mga SambayananMatapos mawala ang sosyalistang komunidad ay lalo lamang lumala ang pandaigdigang kalagayan. Nagkaroon ng walang-katapusang economic crises at depressions, na nagdala ng higit na paghihirap sa masang gumagawa sa buong mundo. Ito ang nagbunsod ng ibat-ibang anyo ng mga anti-imperyalistang pakikibaka, lalo na sa larangang pampulitika at pang-ekonomya na laging nilalahukan ng mga partido komunista.
Upang maisantabi o ma-marginalize ang paglahok ng mga partido komunista sa mga pakikibakang iyon, nilayon ng imperyalismo na linlangin ang mga sambayanan sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga partidong social-democrat (“soc-dem”) bilang siyang dapat manguna sa panlipunang pagbabago sa mga mauunlad na bansang kapitalista. Sa ilang bansang imperyalista sa Europa, nagawa pa ng mga partidong soc-dem na maitanghal ang sarili bilang pinuno ng mga idyolohiyang “makakaliwa”.
Para naman sa mga papaunlad na bansa, ang kadalasang ginagamit na panglaban sa mga partido komunista ay ang mga grupong ultra-left at anarkista na naglalayong maibaling ang pakikibaka tungo sa mga abenturista at teroristang porma ng pagkilos na hindi naman makakukuha ng suporta ng masa, hindi rin nagsasapanganib sa status quo na kontrolado ng imperyalismo, at mas madaling ma-manipulate, magamit ng mga reaksiyunaryo para sa pagkuha ng mas malaking budget, o kaya’y masugpo kung kinakailangan na.
Ang social democracy o idyolohiyang soc-dem ay naglilingkod sa sistemang kapitalismo, samantalang nagpapanggap na lumalaban sa corporate greed. Ang social democracy sa Europe ay nagpakitang-gilas sa katauhan ng partidong Syriza, na nanalo sa eleksiyon sa Gresya dahil sa pangako nito na lalaban sa diktasyon ng IMF, European Central Bank at NATO. Pero tulad ng inaasahan, ang Syriza ay agad bumigay sa diktasyon, at ngayo’y gumaganap bilang bastonero para ipasunod sa sambayanang Griyego ang mga dikta ng imperyalismo.
Sa pangyayaring iyon ay nalantad ang mga soc-dem, at nagkakaroon ng pagkaunawa ang mga mamamayan ng Europa na ang pangkabuhayang krisis ay hindi malulutas sa pamamagitan ng mga panukalang soc-dem na nananatili rin naman sa loob ng sistemang kapitalista. Ang kalutasan ay sa pamamagitan ng pagtahak sa landas na labas na sa sistemang kapitalista --- sa landas tungo sa sosyalismo.
Mga Inspirasyon Mula sa mga
Rebolusyon sa Cuba at VenezuelaSa panahon ng pagkasira ng sosyalistang komunidad noong 1990s, hindi naman lahat ng mga bansang sosyalista noon ay nahulog sa patibong ng imperyalismo. Pangunahin na, ang Cuba sa pamumuno nina Fidel Castro ay matibay na nagtanggol sa mga prinsipyong sosyalista. Malaking hirap ang dinanas ng Cuba sa panahon ng “special period” kung kailan biglang nawala ang dating suportang naibibigay ng USSR at iba pang bansang sosyalista. Ngunit dahil sa katatagan nito, ang Cuba ang naging inspirasyon tungo sa pagkaroon ng malawak na pagsulong sa kapangyarihan ang mga puwersang komunista at sosyalista sa Gitna at Timog Amerika.
Nagkaroon ng isang maka-sosyalistang pamahalaan sa Venezuela sa pagkakahalal ni Pangulong Hugo Chavez, at naitatag ang Alyansang Bolivariana (ALBA) bilang kaisahan ng mga pamahalaang sosyalista at maka-sosyalista sa Gitna at Timog Amerika. Sa pagpanaw ni Chavez ay nahalal si Pangulong Nicolas Maduro na nagpapatuloy sa sosyalistang landas para sa Venezuela.
Ang Cuba ay may 56 na taon nang biktima ng blokada, destabilisasyon at tuwirang pananalakay ng mga imperyalistang Kano. Gayunpaman, ang Cuba ay may maningning na kasaysayan ng pagtulong sa papapalaya sa ibang mga bansa mula sa kolonyalismo, lalo na sa Aprika. Sa unang taon pa lamang ng pagtatagumpay ng rebolusyong Cubano, ito ay tumulong agad sa rebolusyong Algeriano laban sa kolonyalismong Pranses. Sa tulong rin ng Cuba noong 1980s, napangalagaan ang kalayaan ng Angola at naibagsak ang nakamumuhing sistema ng apartheid sa Timog Aprika. Ang Cuba ngayon ay patuloy na tumutulong sa maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo, pangunahin na sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon na napaunlad ng Cuba sa ilalim ng sosyalismo.
Sa pagnanais na pigilin ang mga kaunlarang sosyalista sa Cuba, patuloy na gawain ng imperyalismong Kano ang destabilisasyon sa rebolusyong Cubano. Kasama rin dito ang lahat ng paraan ng garapalang pag-blackmail sa Cuba, tulad sa di-makatarungang pagkulong sa Estados Unidos ng 5 bayaning anti-terorista ng Cuba (ang tinataguriang “Cuban-5”) nang 12 hanggang mahigit 14 na taon. Ang ating partido at ang mga kapatid nating mga organisasyong pangmasa ay patuloy na nagpahayag ng solidarity o pakikipagkaisa sa Cuban-5 hanggang sa silang lahat na pinalaya na noong pagtatapos ng 2014.
Sa Bolivarianong Republika ng Venezuela ay naging mabilis rin ang pag-unlad sa ilalim na sosyalistang tunguhin ng pamahalaan ni dating Pangulong Hugo Chavez, at ng kanyang tagapagpatuloy ngayon na si Pangulong Nicolas Maduro. Ang Venezuela ang may pinakamalaking reserba ng petrolyo sa buong Amerika Latina, pero ito dati ay kontrolado ng Estados Unidos. Dahil sa kalagayang iyon, matagal na panahon na ang nakararaming mamamayan ng Venezuela ay mahirap at mangmang. Ngunit simula noong nagwagi sa halalan si Pangulong Chavez ay nagbago na ang takbo sa Venezuela. Ang kanilang yamang petrolyo ay isinabansa, at ang yamang iyon ang ginagamit upang mapaunlad ang lipunang Venezolano.
Pinawi ang kamangmangan doon, sa tulong ng mga gurong Cubano. Tiniyak ang malawakang pagbubukas ng mga trabaho. Ginawang pangkalahatan ang paghahatid ng kalingang pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. Binigyan ng subsidyo ang mga magsasaka upang maging abot-kamay ng lahat ang presyo ng mga pagkain. Inumpisahan ang malawakang programa sa pangmasang pabahay. Isinagawa rin ang libreng pagpapakain sa lahat ng mag-aaral habang nasa paaralan, at ang pagbibigay ng laptap computer sa bawat estudyante mula high school.
Dahil rito, maraming pagtatangka ang ginawa noon ng imperyalismong Kano na ibagsak o patayin si Chavez, bagay na tinatangkang gawin naman ngayon laban kay Pangulong Maduro. Bilang mga komunista, tayo ay may panuntunang internasyunalista --- ang pakikipagkaisa (solidarity) sa lahat ng pamahalaan at sambayanang nagtataguyod sa sosyalismo. Tayo kung gayon ay laging mananatili sa panig ng mga sosyalistang pamahalaan ng Cuba at Venezuela. Kung paanong ang ating pagdiriwang ngayon ay isang pagpapakita ng ating patuloy na pananalig at pakikibaka para sa sosyalismo, ang pagdiriwang na ito ay pagpapakita rin ng ating patuloy na pakikipagkaisa sa Cuba, Venezuela at iba pang kasapi ng ALBA.
Ang mas Grabeng Kalagayan sa Pilipinas,
sa Ilalim ng Sistemang Neokolonyal
Sa kabila ng sinasabi ng administrasyong PNoy na “mabilis na pag-unlad” ng pambansang kabuhayan, mas grabe ang kalagayan ng karaniwang mga Pilipino ngayon, kaysa sa nakaraang mga taon. Ang karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nananatiling sadlak sa kawalang-trabaho o kakulangan ng kita, at sa pagdarahop. Ang nakararaming mga Pilipinong manggagawa ay patuloy lamang na nakatanikala sa pagtratrabaho sa mga pagawaan, taniman, opisina, minahan, kalakalan, pantalan o maging mga kabahayan. Ngunit ang sahod ay hindi naman nakahahabol sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagkain, pamasahe, renta sa tirahan, bayad sa kuryente at tubig, gamot at mga pangangailangang pangkalusugan, at edukasyon ng mga anak.
Maraming mga manggagawa ang matagal nang napag-iwanan ang kinikita, at hindi man lamang sumasahod ng nakatakdang minimum wage, sa kabila ng mahusay na kita ng mga negosyo. Wala ring katiyakan ang pananatili sa trabaho, lalo pa sa ilalim ng malawakang sistema ng kontraktwalisasyon. Kasabay ng pagtaas ng magarbong mga gusali at malls, at pagdami ng mga magagarang sasakyan, nagkalat ang mga batang lansangan na hindi makapag-aral, marami ang nagsusumiksik sa mga squatter areas at mga tahanang kariton, at dumarami ang mga namamalimos at nasasadlak sa krimen.
Ngunit ang kasalukuyang mga kalagayan ay maaaring mabago para sa ikabubuti ng higit na nakararami. Tayong mga komunista ay nakababatid na sa loob mismo ng kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan ay patuloy na lumalago ang mga puwersang makapapawi sa ating mga suliraning panlipunan. Ang komunistang pananalig na ito ay nakabatay sa ating siyentipikong pagsusuri sa mga tunguhing panlipunan, na pinanday lalo na ng mga karanasan at aral ng mga nagdaang pakikibaka tungo sa kaunlaran at sa pagpapabuti ng buhay ng nakararami.
Sosyalismo ang Tanging
Lunas para sa Pag-unladAng Pilipinas ay nananatiling isang neo-kolonyal na bansang kapitalista, na ang mga oryentasyong pampulitika, pangkabuhayan at panlipunan ay itinatakda ng imperyalismo sa pamamagitan ng World Bank, International Monetary Fund, World Trade Organization, Asian Development Bank at iba pang mga institusyong pinansiyal ng imperyalismo. Ang “development strategy” na itinakda ng mga ito para sa ating bansa --- ang labor-intensive na produksiyong pang-export, na nakabatay sa agrikultura --- ang siyang pumipigil sa ating malayang industriyalisasayon (at kung gayon ay pumipigil sa pagbubukas ng maraming trabaho), nagtatali sa ating pambansang ekonomya tungo sa pandaigdigang merkado, at nagtutuon sa pamamalagi ng cheap labor at cheap resources para maka-attract ng foreign investments.
Kalakip sa istratehiyang ito ay ang pagpapatupad sa mga patakarang pang-ekonomiko tulad ng privatization ng mga government-owned at -controlled corporations ; pagsalig sa mga inisyatiba ng mga pribadong kapitalista, sa halip na magsagawa ng tunay na economic planning ; liberalisasyon ng importasyon ; deregulation o ang pag-aalis sa mga sagka sa profiteering practices ng mga kapitalista ; higit na pagsandig ng pamahalaan sa mga utang panlabas ; at ang higit na pag-“export” ng mas marami pang manggagawang Pilipino para ma-ibsan ang suliranin ng mataas na lebel ng unemployment dito, at para mapalaki rin ang foreign currency reserves mula sa remittances ng mga OFWs.
Ang papel na lamang ng pamahalaang Pilipino (kasama na ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III) ay bilang encargado o tagapagpasunod na lamang sa mga patakarang pangkabuhayan na itinakda ng mga institusyong pinansiyal ng imperyalismo. Ang mga pagbabago sa namamahalang rehimen sa Pilipinas ay mga pagpapalit lamang ng mga personalidad na gaganap na tagapangalaga o caretakers para sa dayuhang monopolyo kapital. At lahat naman ng mga namamahalang personalidad ay kumakatawan lamang sa ibat-ibang paksiyon ng iisang uri ng lokal na burgesya na naka-depende, at nakikinabang, mula sa pagiging collaborators ng imperyalismo.
Hindi kung gayon nakapagtataka na ang dayuhang monopolyong puhunan ang siyang kumokontrol sa importasyon, pag-proseso at distribusyon ng mga produktong petrolyo ; kung bakit sila at ang kanilang mga lokal na kasapakat ang kumokontrol sa banking at pinansiya, sa generation, transmission at distribution ng kuryente, sa distribution ng supply ng tubig, sa LRT/MRT at telekomunikasyon, sa mga expressways, sa pagmimina, sa mga industriya ng pagkain, gamot at iba pang mga susing negosyo.
Alam natin na ang batayang suliranin ay nag-uugat sa sistema o paraan ng pagkaka-organisa ng ating lipunan, kung saan ang iilang grupo at angkan ng mga dayuhan at lokal na kapitalista ang siyang kumukontrol sa industriya, komersiyo, agrikultura, imprastraktura, telekomunikasyon, minahan at iba pang yaman ng ating bansa. Sa sistemang ito ay walang tunay na papel o bahagi sa pagpapatakbo ng ating lipunan ang masang gumagawa.
Ang batayang suliraning ito --- ang sistemang neo-kolonyal --- ang ugat ng mga paghihirap sa ating lipunan. Ang sistemang ito ang pumipigil sa ating pambansang progreso ; bumabansot sa pag-unlad ng kabuhayan ng masang gumagawa ; at nagbubunga ng kaguluhan, terorismo at anarkiya na gumigimbal sa ibat-ibang bahagi ng ating kapuluan. Ang sistemang ito ang dapat nang mabago. Ang mga mamamayang gumagawa, na siyang tunay na lumilikha sa lahat ng yaman sa ating bansa, ang siya dapat kumontrol sa ating pambansang ekonomya. Sa pamamagitan lamang ng ganitong pagbabago maaaring matiyak ang tunay na katarungang panlipunan, at ang pagkakaroon ng isang pambansang ekonomya na maghahatid ng kasaganahan para sa lahat.
Ngayon pa man, ang mga mamamayang gumagawa ang siyang tunay na nagpapatakbo sa mga pagawaan, opisina at sakahan ; ngunit ang ating pambansang ekonomya ay patuloy pa ring kontrolado ng iilan na siyang nag-aari sa mga pagawaan, opisina at sakahang ito. Sa pamamagitan ng pagbabago ng sistema, ang mga mamamayan ay lalaya mula sa mapanghuthot na kontrol ng iilan sa ibabaw ng kanilang mga kabuhayan ; at ang mga mamamayan mismo ang siyang magsasaayos sa ating pambansang ekonomya tungo sa kapakinabangan ng lahat.
Tayong mga komunista ay may pagkaunawa na ang pagbabago ay magaganap lamang kapag ang sambayanan ay maging mulat sa kanilang tungkulin na magkaisa, mag-organisa at makibaka para sa pambansang kaunlaran. Higit na maraming mamamayan ang namumulat sa katotohanan na ang kasalukuyang sistema ay nagdadala lamang ng kahirapan at paghihikahos, at walang mawawala sa kanila kung ang sistemang ito ay mapalitan na sa rebolusyonaryong paraan.
Ngunit ang susi rito ay kung anong sistema ang dapat na ipalit. Kung walang rebolusyonaryong pananaw hinggil sa dapat na maging pagbabago, ay hindi magkakaroon ng tunay na rebolusyon. Kaya naman tayong mga komunista ay patuloy na nananangan na ang tunay na lunas ay ang sistemang sosyalista, at walang magiging tunay na rebolusyonaryong pagbabago kung hindi nakatuon tungo sa pagtatag ng sosyalismo. Tanging nasa sosyalismo ang katubusan ng ating bansa at ng buong sangkatauhan.
Ang Pambansang-Demokratikong Landas Tungo sa Sosyalismo sa PilipinasBatay sa ating pagsusuri sa mga pambansang kalagayan, ang sosyalismo ay maaaring maitatag sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Pambansang-Demokratikong yugto. Iyon ang landas ng pagtatanggol sa pambansang kalayaan at mga demokratikong karapatan. Pangunahin sa pag-aadhika ng ating Partido para sa pambansang demokrasya at sosyalismo ang ating pakikibaka para sa pambansang kalayaan mula sa imperyalistang kontrol at panghihimasok --- laban sa Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA), laban sa pakikialam ng imperyalismong Kano sa Mindanao, laban sa imperyalistang pamimilit hinggil sa pagbabayad natin sa lahat ng di-makatarungang mga utang panlabas, at laban sa imperyalistang pamimilit hinggil sa higit pang privatization at economic liberalization at deregulasyon.
Dahil sa mababang lebel at kawalan ng integrasyon ng mga lokal na industriya, sa ngayon ay walang gaanong maiso-socialize agad para sa pambansang produksiyon na kontrolado ng mga manggagawa, maliban sa ilang industriyang pinatatakbo ng mga korporasyong transnasyunal at ng lokal na oligarkiya sa petrolyo, semento, patanimang pang-export, mga public utilities (sa kuryente, tubig, telekomunikasyon, expressways) at ilan pang negosyo. Gayundin, dahil sa patuloy na kawalan ng lupa para sa mga magsasaka at mga manggagawa sa agrikultura, sa malaking bilang ng mga squatters o “informal settlers” sa urban areas, at sa malaking bilang ng mga ordinaryong mamamayan na nasa “informal economy”, ang pagsasagawa ng agarang sosyalisasyon ng lupa at malilit na negosyo ay hindi magiging katanggap-tanggap sa mahihirap na masang nais nating mapalaya.
Malaking bahagi rin ng ating labor force ang nasa mga “call centers” at kahalintulad na mga trabahong laway na kontrolado mula sa labas ng bansa at walang gaanong kahalagahan para sa atin, ngunit hindi natin ito maaaring i-socialize dahil ang “negosyong” ito ay mabilis na maglalaho at magdudulot agad ng malawakang kawalan ng trabaho.
Dahil rito, ang ating agarang layon para sa Pilipinas ay hindi ang pagtalon sa sosyalismo, kundi ang paunang yugto tungo sa sosyalismo --- ang pambansang demokrasya. Iyon ang yugto o sistema ng pagpapalaya sa bansa mula sa imperialistang kontrol at panghuhuthot, at pagtatatag ng demokratikong sistema kung saan mayroong makapangyarihang sektor na pampubliko sa pambansang kabuhayan na titiyak na ang mga karapatan at batayang pangangailangan ng mga mamamayang gumagawa ay mapangangalagaan at mapupunan.
Nananangan ang ating partido na ang pambansang demokrasya ay matatamo sa pamamagitan ng organisadong lakas ng masang gumagawa, na kaisa sa isang pambansang liderato na nakababatid sa makasaysayang pangangailangan na muling maisabansa ang mga susing industriya at mga public utilities, at magtayo ng isang malakas na pampublikong sector upang makamit ang kalayaang pang-ekonomya at kaunlarang panlipunan.
Ang mga tungkulin ng ating partido sa pagpapaliwanag, pag-organisa at pag-mobilisa sa masang gumagawa tungo sa pampulitikang pagkilos para ipagtanggol ang kolektibong kapakanan ng lipunan, ay laging nakatuon sa pagtatamo ng pambansang demokrasya at tungo pa sa sosyalismo para sa Pilipinas. At siyempre pa, ito ay isang pakikibaka para maagaw ang kapangyarihan, yaman at pribilehiyo na hindi kailanman nais ng oligarkiya at ng kanilang mga panginoong imperyalista na isuko kahit na alang-alang sa kabutihan ng higit na nakararami sa ating lipunan.
Sa ganitong pakikibaka para sa pambansang demokrasya at tungo pa sa sistemang sosyalista, binibigyang pangunang halaga ng ating partido ang matatag na pagtataguyod sa Marxismo-Leninismo, at sa pakikipagkaisa sa mga kapatid na partido komunista at mga kilusan ng uring manggagawa sa ilalim ng prinsipyo ng internasyunalismong proletaryo.
Ang Pakikibakang ElektoralNapakalaki ng pagkakaiba natin mula sa mga burges na “trapo” (o traditional politicians) na namamayagpag sa ating bansa. Habang ipinagtatanggol nina PNoy, Binay, Roxas, Poe, Santiago at iba pang “trapo” ang pagpapatuloy ng kapitalistang sistemang neokolonyal sa ating bansa, tayo naman ang naglalantad sa katotohanan na ang sistemang ito ay dapat nang wakasan at palitan, sapagkat ang pagpapalawig pa sa sistemang ito ay magdudulot lamang ng higit na kahirapan, paghihikahos at kagutuman sa masang Pilipino.
Habang ang mga “trapo” ay nakikiisa sa APEC (Asia-Pacific Economic Community), sa World Economic Forum at iba pang mga institusyong kontrolado ng imperyalismo, tayo naman ay nakikipagkaisa sa mga bansang sosyalista at maka-sosyalista (tulad ng mga bansang kabilang sa ALBA). Samantalang ang mga “trapo” ay nakikipaglapit sa pandaigdigang samahan ng mga korporasyon at bangkong transnasyunal, para makakuha ng suportang pinansiyal at pampropaganda, tayo naman ay nagpapatibay sa prinsipyo ng internasyunalismong proletaryo, o ang pakikipagkaisa sa pandaigdigang kilusang komunista, sa pandaigdigang kilusan ng paggawa, at sa mga kilusan ng pambansang pagpapalaya.
Habang umaasa ang mga “trapo” sa patuloy na pamamayagpag ng USA at NATO sa buong mundo, tayo naman ang may pagkaunawa na ang pampinansiyang lakas at pampulitikang hibo ng mga bansang imperyalista ay papahina na rin, at labis nang apektado ng pang-ekonomikong krisis na likas sa sistemang kapitalista. Tayo rin ang nakapapansin na sa maraming bansang kapitalista mismo --- tulad sa Gresya, Portugal, Espanya at Ireland --- ay lumalakas ang panawagan para sa pagbaklas sa NATO, sa pag-aalis sa sistemang kapitalista, at sa pagtatayo ng sosyalismo.
Tayo rin ay may pagkaunawa sa paglakas ng mga alyansang kontra US-NATO --- tulad ng ALBA, ng CELAC (ang Komunidad ng mga Estado sa Latin America at Caribbean), at ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa). Gayunpaman, nauunawaan rin natin na dahil sa kapitalistang orientasyon ng 2 pangunahing katunggali ng US-NATO bloc --- ng Tsina at Rusya --- ang namumuong tunggalian nila ngayon ay isang inter-imperialist confrontation na may malaking banta sa pandaigdigang kapayapaan.
Kung susuriin natin ang kalagayan ng ating Partido matapos ng kanyang pag-iral nang 85 taon, makikita natin na naalpasan natin ang maraming panahon ng kahigpitan. Sa pagsusulong sa ating mapayapa at pamparliyamentaryong landas ng pakikibaka, dapat tayong maging higit na militante at masigasig sa pamumuno sa mga pagkilos ng masa para sa kanilang mga karapatan at kapakanan. Higit pa rito, dapat ay bigyan natin ngayon ng pangunahing tuon ang pagkakaroon natin ng bahagi ng kapangyarihang pampamahalaan --- hindi lamang sa lokal na mga larangan, kundi maging sa pambansang larangang pamparliyamento.
Kung paanong nilalayon ng LP, NP, UNA, PDP-LABAN at iba pang mga partido pulitikal ng burgesya ang kanilang patuloy na pagkontrol sa kapangyarihang pampamahalaan, gayundin ay nilalayon natin na makahawak rin ng bahagi ng kapangyarihang pampamahalaan. Kung paanong ang mga political dynasties ay naghahanda na ngayon pa man para sa paglahok sa eleksiyon ng kanilang mga asawa, kabit, anak at apo, tayo naman ay dapat na naghahanda na rin para sa puspusang paglahok sa pakikibakang elektoral.
Gagawin ng ating Partido ang lahat upang maihanda ang ating mga kadre -- lalo na iyong nasa hanay ng kabataan --- upang mahasa sa pagkampanya at paghawak ng mga pampamahalaang posisyon, sa lokal at pambansang mga larangan. Nakatuon ang ating pananaw sa paghubog sa ating mga kadre --- pangunahin na sa nakababata nating mga kadre --- upang makapagpapakita ng gilas sa pamamalakad sa mga pampamahalaang posisyon, at sa pagbibigay ng matapat, epektibo at malinis na paglilingkod sa sambayanan.
Sa hinaharap nating kampanyang elektoral ay inaasahan natin ang masiglang paglahok ng lahat ng mga organo ng ating Partido, lalo na iyong may mga kaugnay na organisasyong pangmasa. Umaasa tayo na sa pamamagitan ng masipag na pagkilos ng bawat kadre ng ating Partido ay higit tayong lalawak ngayon, higit na maririnig ang boses ng ating Partido sa pambansa at lokal na mga usapin, at magkakaroon rin ng muling bugso sa pagkilos ng mga kapatid nating mga organisasyong pangmasa.
Sa nakaraang 85 taon ng pag-iral nito, ang ating partido --- sa inspirasyon ng Dakilang Rebolusyong Sosyalista ng Oktubre sa Rusya noong Nobyembre 7, 1917 --- ay nanatiling matapat sa kanyang batayang makauri, sa kanyang pagiging partido ng mga uring manggagawa’t magsasaka sa ating bansa, sa kanyang pagsusulong sa internasyunalismong proletaryo, at sa kanyang pakikibaka para sa pambansang-demokratikong landas tungo sa sosyalismo. Mananatili tayong matatag sa pagtalunton sa landas na ito ng katapatan sa idyolohiya ng Marxismo-Leninismo. Sa paggabay ng idyolohiyang ito, at sa masikhay na pagkilos ng bawat kasapi ng ating Partido, higit tayong lalakas, uusad at magtatagumpay.
MABUHAY ANG IKA-85 ANIBERSARYO NG ATING PARTIDO !
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930) !
MABUHAY ANG IKA-98 ANIBERSARYO NG DAKILANG REBOLUSYONG
SOSYALISTA NG OKTUBRE SA RUSYA !
MABUHAY ANG PAMBANSANG-DEMOKRATIKONG LANDAS TUNGO SA
SOSYALISMO PARA SA PILIPINAS !
MABUHAY ANG HINDI-MAGMAMALIW NA PANDAIGDIGANG PAKIKIBAKA
TUNGO SA SOSYALISMO AT KOMUNISMO !
KA. TONY PARIS
Pangkalahatang Kalihim, PKP-1930
- - - o o o 0 0 0 (END) 0 0 0 o o o - - -